Willing Willie is still not returning to television after its supposed two-week break. "We're also awaiting advise [sic] from TV5 following their talks to MTRCB," says business unit head Jay Montelibano in a text message sent to PEP.

 

Photo: Melo Balingit

Hindi pa rin makakabalik sa telebisyon ang programang Willing Willie.

Ito ang siniguro ng business unit head ng programa na si Jay Montelibano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, Abril 25.

Nang tanungin ng PEP sa pamamagitan ng text message kung muli nang mapapanood ng Willing Willie sa TV5, ito ang kanyang sagot:

"Not yet. We're also awaiting advise [sic] from TV5 following their talks to MTRCB. We'll let you know once we get the word but for sure not this week."

Matatandaan na noong Abril 8, inihayag ng host ng show na si Willie Revillame na magpapaalam muna sa ere ang Willing Willie "starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week.

Dagdag pa ng controversial TV host, "Pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito.

"Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama." (CLICK HERE to read related article.)

Ang anunsiyong ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan maraming umalma sa pagpapasayaw sa anim na taong gulang na contestant ng "Wil Time Big Time." (CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa kolumn naman ni Jojo Gabinete sa Abante ngayon, sinabi niya na makikipag-usap pa ang Willing Willie sa pamunuan ng TV5.  Nabanggit din dito na, "Ayon sa isang insider, maaaring bumalik ang programa isang araw bago ang Mother's Day, May 8 or posibleng hindi na."

Habang nasa "break" pa rin ang program, tila naghahanda naman ang staff ng Willing Willie sa pagbabago ng ilang mga segment nito.

Ayon sa Twitter account ng co-host ni Willie na si Valenzuela councilor Shalani Soledad, "We are currently working on improving the set and the games! We will be back soon."

Sa ngayon, mapapanood sa timeslot ng Willing Willie sa TV5 ang Primetime Super Sine at Magic? Gimik!.