news

Willing Willie will not yet return; still waiting for advice from TV5

by Nerisa Almo posted on April 25, 2011  STATS: 1473 Views | 62 Comments

 

Willing Willie is still not returning to television after its supposed two-week break. "We're also awaiting advise [sic] from TV5 following their talks to MTRCB," says business unit head Jay Montelibano in a text message sent to PEP.

 

Photo By: Melo Balingit

Hindi pa rin makakabalik sa telebisyon ang programang Willing Willie.

Ito ang siniguro ng business unit head ng programa na si Jay Montelibano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, Abril 25.

Nang tanungin ng PEP sa pamamagitan ng text message kung muli nang mapapanood ng Willing Willie sa TV5, ito ang kanyang sagot:

"Not yet. We're also awaiting advise [sic] from TV5 following their talks to MTRCB. We'll let you know once we get the word but for sure not this week."

Matatandaan na noong Abril 8, inihayag ng host ng show na si Willie Revillame na magpapaalam muna sa ere ang Willing Willie "starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week.

Dagdag pa ng controversial TV host, "Pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito.

"Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama." (CLICK HERE to read related article.)

Ang anunsiyong ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan maraming umalma sa pagpapasayaw sa anim na taong gulang na contestant ng "Wil Time Big Time." (CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa kolumn naman ni Jojo Gabinete sa Abante ngayon, sinabi niya na makikipag-usap pa ang Willing Willie sa pamunuan ng TV5.  Nabanggit din dito na, "Ayon sa isang insider, maaaring bumalik ang programa isang araw bago ang Mother's Day, May 8 or posibleng hindi na."

Habang nasa "break" pa rin ang program, tila naghahanda naman ang staff ng Willing Willie sa pagbabago ng ilang mga segment nito.

Ayon sa Twitter account ng co-host ni Willie na si Valenzuela councilor Shalani Soledad, "We are currently working on improving the set and the games! We will be back soon."

Sa ngayon, mapapanood sa timeslot ng Willing Willie sa TV5 ang Primetime Super Sine at Magic? Gimik!.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

62 Comments

  • 62  intoxicatedredux

    04/27/2011 | 04:24 PM
    Kahit wag na nilang ibalik, hahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  remyr12

    04/27/2011 | 03:11 AM
    yaralei..comment no. 10..oo nga tama ka...magtayo na lang siya ng organization or foundation tutal ang bukambibig naman niya is gusto niyang makatulong sa mahihirap at iyon ang intention niya..pero..may endorsers or sponsors ba ito? Eh di wala siyang kinita..pera-pera lang din naman ang sa kanya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  remyr12

    04/27/2011 | 03:08 AM
    hmm..baka kaya hindi pa bumabalik kasi they are still trying to figure out how to reformat the show to a better one, how to make Willie agree to the conditions that would change, dahil malamang dikta na rin ng endorsers, etc, e.g., magingat na siya sa sasabihin niya, check his actions and kung ano pa ang hindi maganda...for short, magiba ng ugali si Willie..malamang ang hirap mapapayag ni Willie dito. Sa taas at feeling hari niya, papayag ba iyon?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  ironickme

    04/27/2011 | 12:02 AM
    Gustong-gusto na pong bumalik ni Willie kaso wala ng sponsors ang show eh papano kikita ang network at ang producers. Sa sobrang taas ni Willie, isang 6-year old lang ang nag-alis sa kanya sa telebisyon. Dati isang gay reporter lang ang naging dahilan para mawala sya sa abs-cbn. Ang taas kasi ng lipad, ayun lagapak nung bumagsak hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  beauty54

    04/26/2011 | 06:12 PM
    To no 56...Ano ang ibig mong sabihin sa kasagutan mo sa comment ko? Siyempre alam ko un na sya ang nagpapasahod sa mga staff nya at shoulder nya mga hospitalization ng mg astaff nya. Alangan pa naman naang kita nya lahat ay ipamigay nya sa tao , d puede un dahil paano naman mabubuhay at walang ibang tao na nagbibigay ng tulong sa mga kapos palad na kababayan natin kundi si Willie lang. On the spot puede sya mag desisyon kong magkano i22long nya tulad ng pagpapaaral sa mga walang sapat tinutulungan nya. Kaya kong may tao na ayaw sa kanyang sistema ay problema na nila un , basta ako I'll stick with him at naniniwala ako na maluawag sa kalooban nya ang tulong na binibigay nya. 90percent ang mahirap sa atin kaya d puede natin ipagkaila at ipag panggap ang pinas na isang mahirap na bansa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  ipur

    04/26/2011 | 06:05 PM
    willie boy, kala ko yan ang show na tutulong sa mga mahihirap. at saka di ba bukal sa loob mo ang pagtulong? eh bakit di ka makapagsimula magshow kahit walang advice ang station mo? sa kadahilanan ba yan na walang makatutuok na camera habang ikaw ay nag-aabot ng pera sa mga mahihirap? for me, it shows na hindi nga talaga bukal sa kalooban mo ang pagtulong kasi gusto mong nakikita ang bawat pag abot mo ng pera? looks totoo nga na ginagamit mo ang mahihirap para sa pansariling advantage ah...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 56  libra1466

    04/26/2011 | 05:52 PM
    to beauty54 perang pinamigay ay galing sa sponsors, barya lamang yun sa kinikita ni willie sa mga sponsors. noong nasa abs sya buo ang kita nya dahil shoulder lahat ng abs ang expenses pero ngayon ay sya ang producer kaya, bawas na ang kita nya dahil sya ang nagbabayad ng mga talents nya. nag babayad lang sya sa tv5 para sa programming.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 55  Skylec

    04/26/2011 | 05:48 PM
    Sa mga taong umaasa Kay Willie ay mga tamad. Magtrabaho kayo para maitagoyod nyo nag pamilya nyo. Paano kayo magkaroon ng PERA? Cguro araw-araw silang nasa show ni Willie para magkapera. Hay Pinoy talaga mahilig sa pera! Work work work!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 54  dustmyeat

    04/26/2011 | 02:42 PM
    sa 2 choices favor ako sa MAAARING HINDI NA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  beauty54

    04/26/2011 | 01:28 PM
    no 41! D mo ba alam na ang ipinamimigay ni Willie ay kabayaran sa kanya ng mga sponsors nya?At iyon ang binabalik nya sa mga tao. magpasalamat nlang tayo na binabalik nya sa tao dahil maluwag ang puso nya sa pagtulong sa ating kababayan na mahirap. At isa sya na mataas na tax payer sa bansa na ngpapasahod sa ating mga taong gobyaerno. D mo pala alam iyan? Mahina pala ang kukuti mo. Kung waal c Willie wala ng ibang tutulong sa mga kapos palad na ating mga kababayan. Willie ay prangka na tao na iyan ang ayaw ng mga tao dahil ang gusto ng ibang pinoy ay inu uto ang mga tao. Sa europe asensado na bansa dahil straight to tha point at walang paligoy ligoy. Go go go! WE WIL Stand!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 52  juaning1975

    04/26/2011 | 12:38 PM
    sana wag nang bumalik please! buti na lang walang tv5 sa America pero kahit na meron never akong magsa-subscribe.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  orangecountykid

    04/26/2011 | 11:40 AM
    BAD LUCK FOLLOWS WILLIE REVILLAME WHEREVER HE GOES. IF THIS TREND CONTINUES, HE WILL RUN OUT OF TV STATION TO GO TO. HE HAS TO START HIS OWN NETWORK.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  sipsip

    04/26/2011 | 11:18 AM
    kumakatok na ang karma
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 49  eklatbelat

    04/26/2011 | 10:38 AM
    Many here ay inis kay willie because they have friends na inis kay willie.. nayayabangan or whatever. Pinoys cant handle a straight forward person.. maangas ang dating ng mga taong diretso magsalita. Gusto ng pinoy yung binobola bola kahit lokohan lang ang sinasabi. Willie is a contradiction and an insult to what Pinoys would like to be sucessful at mayaman. So many dont like him just because.. Pinoys mentality in action. I can say that at least he got his wealth legally. And i hope many will be successful like him na legal ang pagyaman. I have more respect for this guy than many of the Officials of the Govt
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 48  indiahenretta

    04/26/2011 | 09:23 AM
    For Mr. Revilame's Staff and Crew ang DAPAT NINYO SISIHIN ay ang BIG BOSS ninyo na si Mr. Revillame. I am sure Mr. Revillame will still PAY YOU because he is mighty RICH.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 47  indiahenretta

    04/26/2011 | 09:20 AM
    Thank God. I hope he will NEVER RETURN! Mr. Revillame only CARES about his show or the TV RATINGS, not about the POOR, or the ELDERLY or the HELPLESS. He needs to rehabilitate himself from himself.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 46  melody2

    04/26/2011 | 07:26 AM
    OK so you don't want WW to come back. Fine. But why do those amplayas didn't consider the fate of the other people earning from this show in the likes of crew, dancers, etc. Where will they be getting their income. From other sources ? how ? considering the scarcity of opportunities and jobs these days.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  kcprettyangel

    04/26/2011 | 07:15 AM
    Masama ang magwish ng masama sa iba, dahil ang mga nagwiwish kadalasan sa kanila bumabalik ang kanilang winiwish. Kaya be careful. Let God be the judge. Kung tutuusin di naman niya pinagmumura ang mga nagkokomento dito, pero kung murahin siya grabe. Gusto na siyang mamatay. Hindi siya child abuser at child molester. Inedit lang 'yong episode na 'yon. Kung 'yong bata hinila at pinilit na pasayawin, 'yon ang abuso. Kung pinilit 'yong bata hindi makakasayaw yan dahil magngangawa. In this case, wala akong nakita na abuso.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 44  litalitz

    04/26/2011 | 07:14 AM
    beauty54TAMA K mas mabuti p talaga ang muslim hindi cila nagsisiraan kong mayroon man tiyak mayroon agad mamagitan para maayos, pero ang ibang kristaiano hindi nman lahat TUMBA N NGA ANG KALABAN DIDIKDIKIN P, minsan nga pag nagbabasa ako ng mga comment sobrang mga masasakit n salita ang cnasabe nl kahit cguro pusang gala hindi gugustuhin pakingan, parang akala mo SOBRANG SAMA N WILLIE SANA MAISIP NL WALANG TAONG SINAKTAN C WILLIE AT HINDI PUSAKAL N KRIMINAL para pagsalitaan ng masasakit at tao din n kong minsan nagkakamali.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  tfc1

    04/26/2011 | 05:54 AM
    Kayo naman paano makakatulong si willie kung walang show e yung perang ipinamomodmod niya ay galing sa mga sponsors. I dont think he will give away his own money. lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About