"He will be missed. His journey ends and may he rest in peace."
Malungkot ang pananalita sa text message ni Direktor Dado Lumibao, isa sa pinakahuling nakatrabaho ng yumaong aktor na si AJ Perez sa ABS-CBN.
Ito ay sa pamamagitan ng weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).
Kasalukuyang nasa Manila Memorial Park si Direk Dado nang matanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang mensahe kahapon ng umaga, April 26—ang araw kung kailan hinatid sa kanyang huling hantungan si AJ.
"We're here as he goes to his final journey," saad ng direktor sa kanyang text message.
Noong gabi ng April 25, Lunes, ay nagpadala ang PEP ng mensahe kay Direk Dado hinggil sa isasahimpapawid na episode ng MMK sa Sabado, April 30, na tampok si AJ Perez bilang pangunahing aktor.
Kasama rito ng yumaong young actor ang child star na si Bugoy Cariño.
Unang nagbalita sa amin tungkol sa MMK episode ang direktor na si Don Cuaresma, who handled AJ Perez sa katatapos lang na teleseryeng Sabel. Si AJ ang isa sa leading men ng bida ritong si Jessy Mendiola; the other one being Joseph Marco.
"He was so excited with his MMK," sabi ni Direk Dado, regretting AJ's passing away bago ito maipalabas.
"Sana maraming manood at sumuporta alang-alang kay AJ."
Sina Cuaresma at Lumibao, sa teleserye at weekly drama anthology episode, respectively, ang dalawa sa mga huling direktor na nakatrabaho ng late young actor.
"He was such a dedicated actor. At totoong mabait," dagdag na pagpupuri pa ni Don habang ginagawa nila ang nasabing teleserye.
May mahabang hiwalay na interview rin na ibinigay si Cuaresma sa PEP.
EARLY MMK GUESTING. Sa mga unang taon ng pagbi-buildup kay AJ Perez bilang dramatic actor na nasa pamamahala ng Star Magic, lumabas na rin siya sa isang episode ng Maalala Mo Kaya na idinirek ni Jeffrey Jeturian.
Unang tinanong ng PEP si Jeturian tungkol kay AJ, o ang masasabi niya hinggil sa pagiging aktor ng noo'y baguhan pa lamang.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
20 worryfreebabe
19 creamer
18 gendyL22
17 Cypressgard
16 diamondareforever
15 purplepower
14 lynn_q8
13 CarolynRecto
12 gopinoy
11 minch
10 dreamer
9 dreamer
8 Duchessdiane09
7 Duchessdiane09
6 bruth
5 lovelylin
4 dhej16
3 thata1980
2 gANNda
1 eazypinoy