"We are filing this case because it is our job. We do this for all cases of child abuse that we come across, and we provide services to everyone who needs our help. There is no political angle here; neither is there any hidden agenda, as some quarters may allege. Our main concern is to promote the welfare of the child and his family, and others who are or may be placed in a similar situation," says DSWD Secretary Dinky Soliman about the child-abuse complaint her department filed against TV host Willie Revillame (in photo).

Photo: Noel Orsal

May panibagong child-abuse complaint na namang isinampa laban sa TV host na si Willie Revillame.

Matatandaang noong April 25 ay nagsampa ng reklamong child abuse ang ilang rights advocates—kabilang na ang opisyales ng End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT)—laban kay Willie sa Quezon City Fiscal's Office.

Kasama rin bilang respondents dito ang chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan at iba pang opisyales ng TV5. (CLICK HERE to read related story.)

Ang naghain naman ng bagong reklamo kay Willie ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ni Secretary Dinky Soliman.

Co-complainants sa reklamong ito ang activist priest na si Father Robert Reyes, ang End Child Abuse Community Facebook administrators na sina Froilan Grate at Frances Irene Bretaña, at ang "blogger mom" na si Noemi Lardizabal-Dado.

Isinumite nila ang kanilang joint affidavit-complaint sa Quezon City Prosecutor's Office kaninang umaga, April 27.

Sa pagkakataong ito, tanging si Willie ang respondent sa kaso.

Ang reklamong child abuse—o paglabag sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act)—ay nag-ugat sa March 12 episode ng Willing Willie kung saan nagsayaw ang isang anim na taong gulang na batang lalaki ng parang ginagawa ng macho dancers. (CLICK HERE to read related story.)

Si Willie ang host ng variety-game show na ito na napapanood sa TV5.

Nakasaad sa complaint-affidavit ang sumusunod:

"We were able to individually view the segment from the internet, after it was uploaded on the YouTube website.

"As concerned citizens, we denounce the exploitation and irresponsible treatment of the six year-old Jan-Jan on the show Willing Willie.

"Revillame's actions and utterances constituted psychological abuse, cruelty, and emotional maltreatment of the child, as it debased, degraded and demeaned Jan-Jan's intrinsic worth and dignity as a human being."

SEC. DINKY SOLIMAN'S STATEMENT. Kaugnay pa rin ng child-abuse complaint na ito laban kay Willie, isang statement naman ang inilabas ni DSWD Secretary Dinky Soliman sa kanyang Facebook account.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: