news

DSWD files child-abuse complaint against Willie Revillame

by Erwin Santiago posted on April 27, 2011  STATS: 43987 Views | 293 Comments

 

"We are filing this case because it is our job. We do this for all cases of child abuse that we come across, and we provide services to everyone who needs our help. There is no political angle here; neither is there any hidden agenda, as some quarters may allege. Our main concern is to promote the welfare of the child and his family, and others who are or may be placed in a similar situation," says DSWD Secretary Dinky Soliman about the child-abuse complaint her department filed against TV host Willie Revillame (in photo).

Photo By: Noel Orsal

May panibagong child-abuse complaint na namang isinampa laban sa TV host na si Willie Revillame.

Matatandaang noong April 25 ay nagsampa ng reklamong child abuse ang ilang rights advocates—kabilang na ang opisyales ng End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT)—laban kay Willie sa Quezon City Fiscal's Office.

Kasama rin bilang respondents dito ang chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan at iba pang opisyales ng TV5. (CLICK HERE to read related story.)

Ang naghain naman ng bagong reklamo kay Willie ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ni Secretary Dinky Soliman.

Co-complainants sa reklamong ito ang activist priest na si Father Robert Reyes, ang End Child Abuse Community Facebook administrators na sina Froilan Grate at Frances Irene Bretaña, at ang "blogger mom" na si Noemi Lardizabal-Dado.

Isinumite nila ang kanilang joint affidavit-complaint sa Quezon City Prosecutor's Office kaninang umaga, April 27.

Sa pagkakataong ito, tanging si Willie ang respondent sa kaso.

Ang reklamong child abuse—o paglabag sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act)—ay nag-ugat sa March 12 episode ng Willing Willie kung saan nagsayaw ang isang anim na taong gulang na batang lalaki ng parang ginagawa ng macho dancers. (CLICK HERE to read related story.)

Si Willie ang host ng variety-game show na ito na napapanood sa TV5.

Nakasaad sa complaint-affidavit ang sumusunod:

"We were able to individually view the segment from the internet, after it was uploaded on the YouTube website.

"As concerned citizens, we denounce the exploitation and irresponsible treatment of the six year-old Jan-Jan on the show Willing Willie.

"Revillame's actions and utterances constituted psychological abuse, cruelty, and emotional maltreatment of the child, as it debased, degraded and demeaned Jan-Jan's intrinsic worth and dignity as a human being."

SEC. DINKY SOLIMAN'S STATEMENT. Kaugnay pa rin ng child-abuse complaint na ito laban kay Willie, isang statement naman ang inilabas ni DSWD Secretary Dinky Soliman sa kanyang Facebook account.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

293 Comments

  • 13  prenlipren

    04/27/2011 | 03:51 PM
    kung napaiyak ung bata dahil sa takot, dapat pinatigil na lang. aware naman sila na natakot yung bata kay bonel balingit eh, pinatagal pa yung pagdurusa ng kawawang bata. child abuse talaga yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  pilyangmaganda

    04/27/2011 | 03:51 PM
    Adaming pwedeng atupagin ng DSWD na may katuturan sa totoo lang! Go Willing Willie! Hintayin namin pagbabalik ng show!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  abscbn1st

    04/27/2011 | 03:50 PM
    8 exclusibo --- hindi logical ang reasoning mo. para mo na ring sinabi na ang rapist na tatay, pag sinabing hindi naman abuso ang pangre-reyp nya ay hindi na masama, dahil sinabi lang ng magulang na hindi abuso ang reyp... level mo ate...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  HornBlower

    04/27/2011 | 03:48 PM
    Bakit parang ang bagal umusad ng MTRCB sa kasong ito? Nagdemanda na ang lahat laban kay Willie pero ang MTRCB wala pa ring ginagawang resulta sa pag-aaral nila. Kung MAHIRAP lang itong si Willie sigurado kulong na kaagad ito, may PERA kasi kaya pag-aaralan daw muna nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • abscbn1st

    04/27/2011 | 03:47 PM
    7 dakilangina --- hindi mo ba nabasa na marami na ring na-resolve na cases ang DSWD... mas maingay lang talaga ang kay Willie dahil Sikat sya... ang pagalitan mo ay ang media na nag-co-cover kaya nagmumukhang dinidikdik si Willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • exclusibo

    04/27/2011 | 03:44 PM
    Ang dapat gawin ng mga magulang ng bata ay kasuhan ng slander si Dinky at ang DSWD. Marunong pa sila sa mga magulang ng bata na sinabi na nilang hindi naman na child abuse.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dakilangina

    04/27/2011 | 03:37 PM
    So sad talagang dinikdik na ng husto ang tv5 at si WR. Attention DSWD Ito na po ba ang pinakamalaking krimen sa ngayon? Wala bang mas malaki pa dito para pagbuhusan ninyo ng panahon? Sobrang sama ba talaga ang ginawa ng show na ito? Pakisagot nga po Grabe ng higanteng yan talagang hindi tinigilan. Pero sige, kung yan ang tadhana na kahit un intentional ang nangyari eh kakasuhan pa rin, sige kung jan kayo masaya ituloy na ninyo para natatapos na tutal mukhang hindi ninyo ito titigilan eh di kaso kung kaso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Sintosintowillie

    04/27/2011 | 03:37 PM
    Para sa mga bulag na fans ni Willie at TV5. Hindi po yung pagsayaw nya ng macho dancing ang child abuse. Ang child abuse po ay yung kahit umiiyak na yong bata hindi pinigilan ni Willie at director ng show kabaligtaran po ang nagyari. Ang pang aabusong ginawa ni Willie at ng show ay mas lalong pang pinagtawanan ang bata at hinayaang pinagpatuloy magsayaw ng malaswa ang bata, nagbigay ng mga hindi magagandang comment habang nagsasayaw at ang huli at nilagay sa gitna ng tumataas na stage paligid ang mga dancer habang pinagtatawanan ang ginagawan bata. Hindi po edited yung nakita nyo sa Youtube. Malinaw ba yan sa inyo mga fans?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    04/27/2011 | 03:37 PM
    ay na bad man mag isip ng masama sa kapwa, he deserves it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    04/27/2011 | 03:35 PM
    KARMA IS COMING and continues to come
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hanstex

    04/27/2011 | 03:30 PM
    tingin ko lang ha....ngayong nag file na ng kaso ang dswd...maski siguro ang mga advertisers na nag pull-out pansamantala, baka hindi rin muna bumalik...eh kasi may kaso na eh...so paano pa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wanna_change

    04/27/2011 | 03:24 PM
    Hindi na kailangan ng financial, social o anuman pang assistance ni JanJan galing DSWD.. Naibigay na ni Willie at TV5... hehehehe... Hay, di na naman siguro matutuloy ang pagbabalik ng Willing Willie... dagok na naman ang bagong kaso ng DSWD... wait and see muna ang mga sponsors at advertisers...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hanstex

    04/27/2011 | 03:24 PM
    well sa dami ng nag-react...nainis sa palabas...tama lang ito siguro...lesson na din ito for him... parang yung sakit ng ulo ng dating may-ari ng pinagtatrabahuhan ni willie.....nasa TV 5 NA NGAUN.... ano kayang masasabi ni cristy fermin dito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About