news

DSWD files child-abuse complaint against Willie Revillame

by Erwin Santiago posted on April 27, 2011  STATS: 44200 Views | 293 Comments

 

"We are filing this case because it is our job. We do this for all cases of child abuse that we come across, and we provide services to everyone who needs our help. There is no political angle here; neither is there any hidden agenda, as some quarters may allege. Our main concern is to promote the welfare of the child and his family, and others who are or may be placed in a similar situation," says DSWD Secretary Dinky Soliman about the child-abuse complaint her department filed against TV host Willie Revillame (in photo).

Photo By: Noel Orsal

May panibagong child-abuse complaint na namang isinampa laban sa TV host na si Willie Revillame.

Matatandaang noong April 25 ay nagsampa ng reklamong child abuse ang ilang rights advocates—kabilang na ang opisyales ng End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT)—laban kay Willie sa Quezon City Fiscal's Office.

Kasama rin bilang respondents dito ang chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan at iba pang opisyales ng TV5. (CLICK HERE to read related story.)

Ang naghain naman ng bagong reklamo kay Willie ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ni Secretary Dinky Soliman.

Co-complainants sa reklamong ito ang activist priest na si Father Robert Reyes, ang End Child Abuse Community Facebook administrators na sina Froilan Grate at Frances Irene Bretaña, at ang "blogger mom" na si Noemi Lardizabal-Dado.

Isinumite nila ang kanilang joint affidavit-complaint sa Quezon City Prosecutor's Office kaninang umaga, April 27.

Sa pagkakataong ito, tanging si Willie ang respondent sa kaso.

Ang reklamong child abuse—o paglabag sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act)—ay nag-ugat sa March 12 episode ng Willing Willie kung saan nagsayaw ang isang anim na taong gulang na batang lalaki ng parang ginagawa ng macho dancers. (CLICK HERE to read related story.)

Si Willie ang host ng variety-game show na ito na napapanood sa TV5.

Nakasaad sa complaint-affidavit ang sumusunod:

"We were able to individually view the segment from the internet, after it was uploaded on the YouTube website.

"As concerned citizens, we denounce the exploitation and irresponsible treatment of the six year-old Jan-Jan on the show Willing Willie.

"Revillame's actions and utterances constituted psychological abuse, cruelty, and emotional maltreatment of the child, as it debased, degraded and demeaned Jan-Jan's intrinsic worth and dignity as a human being."

SEC. DINKY SOLIMAN'S STATEMENT. Kaugnay pa rin ng child-abuse complaint na ito laban kay Willie, isang statement naman ang inilabas ni DSWD Secretary Dinky Soliman sa kanyang Facebook account.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

293 Comments

  • 153  Ruthplex

    04/28/2011 | 02:09 AM
    Ang mga nakikisawsaw dito at patuloy na pinagpipiyestahan ang issue sila ang patuloy hanggang ngayon inaabuso ang bata. Puro sarili ang iniisip mga propesiyonal pa naman pero hindi nakikita ang maaring epekto nito sa bata. Kay Wille kung may kasalanan siya panandalian lang abuso niya pero ang mga taong katulad ni soliman, mga taong malalaking tao, sila ang patuloy na umaabuso sa bata. dapat ang mga sarili nila ang kasuhan ng mga magulang ng bata.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 152  Ruthplex

    04/28/2011 | 02:05 AM
    pakagat lang ito ni Soliman dahil lalabas din ang katotohanan gagamitin lang niya ito para bumango siya pag tumakbo sa next election. he he he.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 151  HornBlower

    04/28/2011 | 02:05 AM
    Mukhang BANTAY BATA na lamang ang hindi pa nag pa file ng kaso laban kay Willie Revilliame. Ay Oo nga pala nagbigay ng 1million pesos ang Willie kaya parang hindi maganda kung sasampahan siya ng kasong child abuse. Ano! Ganoon ba talaga iyon? Basta tumulong wala ng kaso. Kaya akala tuloy ni Willie OK na ang pinaggagawa niya dahil nakakatulong daw kuno siya sa MAHIHIRAP.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 150  kcprettyangel

    04/28/2011 | 01:35 AM
    Wala kasing kita sa street children, at hindi sila sisikat doon. Naku! sayang ang pagod niyo. Sbagay ang iba rito, ito talaga ang trabaho. Kapag di nagcomment ng against kay Willie, walang kikitain.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 149  HornBlower

    04/28/2011 | 01:30 AM
    Hindi na nga mahuli ang ibang umaabuso sa mga BATA dahil naitatago nila ang mga ito pati ba naman itong lantaran na at kitang-kita na at narinig pa ay babalewalain na lamang nila. Sobra na nga naman kung pati ang isang ito ay hindi pa matugunan ng DSWD. Iyan ang malaking kaMALIan na nagawa ni Willie ang lantarang pang-aabuso sa BATA.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 148  HornBlower

    04/28/2011 | 01:26 AM
    Tama dahil ngayon lang naging lantaran ang CHILD ABUSE na parang ikinasasaya pa ni WILLIE REVILLIAME. Talagang PROUD pa siya na ma broadcast ang kanyang pang-iinsulto o pang aabuso kay JAN JAN. kaya siguro over na ang pang aabuso sa ating mga kabataan. Mula sa Pinas hanggang sa abroad ay napapansin na rin. Kailangan pa bang ibalewala ang mga lantarang pang aabuso sa ating mga kabataan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 147  kcprettyangel

    04/28/2011 | 01:23 AM
    Ang mga pumipersonal kay Willie I think habang galit na galit kay willie sarili nila ang nakikita nila. Di pa tapos ang laban, just wait and see.Be careful sa mga wish niyong masama kay Willie baka kayo ang mabalikan. Kasabihan nga hwag magwish ng masama sa iba,dahil kadalasan kapag masama doon sa nagwish ang nababalikan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 146  usbfre07

    04/28/2011 | 01:19 AM
    YES! marami kang makikitang JanJan everywhere...marami ng JanJan even before this issue surface...Saan ba ang DSWD noon? nag bulagbulagan noon at nagising lang ngayon?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 145  indiahenretta

    04/28/2011 | 01:16 AM
    Maski anong channel pa, basta alam lang natin ang TAMA SA MALI, iyon lang naman ang sa akin. RESPETO sa bawat tao, kahit ba bata or matanda, mahirap or mayaman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 144  HornBlower

    04/28/2011 | 01:14 AM
    Huwag kayong mag-alala mga fans ni Willie may PERA ang inyong IDOLO kayang kaya niyang lusutan ang mga kasong iyan. Kung si GMA nga hindi napatalsik kahit napakarami palang nagawang MALI si Willie pa! Naandiyan yata ang kanyang mga alalay na politicians...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 143  indiahenretta

    04/28/2011 | 01:13 AM
    Kung hindi ba dahil sa kagagawan ni WILLIE mayroon bang Jan Jan? Mag isip nga kayo. As for me, I am not STUPID, I am not DEAF nor BLIND. Nakita ko sa mga mata ko and Narinig ko ang said YOUTUBE. So if some people are still in DENIAL maybe something is wrong with YOU, just like Mr. Revillame, aminin na kasi ang pag kaka mali. I AM SPEAKING AS A MOTHER, THAT IS WHY I CAN RELATE TO THE POOR INNOCENT 6 YEAR OLD BOY THAN A 50 YEAR OLD MAN.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 142  kcprettyangel

    04/28/2011 | 01:12 AM
    Kaya ako , dati TFC subscriber, pero inalis ko na kasi it is not worth. it anymore. Sa GMA na ang pinanood kung balita ngayon pati asawa ko. Kahit anong gawin nyo Willie will stand. Hindi ko rin gusto si Willie dati kasi nga mayabang sya,pero noon noong hindi pa siya sumisikat. Pero kahit anong gawin niyo wala pang host ang kasing galing niya. Napapaindak niya pati taong may mga sakit. At ang mga nagtatanggol kay willie ay hindi nababayaran. Kasi may mga utak ang mga nagtatanggol sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 141  indiahenretta

    04/28/2011 | 01:06 AM
    What comes around, goes around! Now I totally BELIEVE in KARMA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 140  kcprettyangel

    04/28/2011 | 12:57 AM
    I dont think the issue here is child abuse. Si willie lang talaga ang issue rito,ginamit lang 'yong bata kasi di nila mapatiklop si Willie. Kung child abuse 'yon, bakit ang mga bata sa going bulilit na nakabra habang nagkacarwash,hindi pinapansin ayt pati paggaya sa sayaw ni Hayden Kho na Careless Whisper? At alin ba ang child abuse, yong pagsasayaw noong bata sa show ni Willie o ang isang ina na wala namang trabaho pero napabayaan ang anak na maaksidente?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 139  cilantro143

    04/28/2011 | 12:47 AM
    tama ka jan nos. 71toronto ca,c willie kc ay wala yan pinag-kaiba kay imelda marcos noong araw, habang hawak nya ang mga malalaking projects noon para sa bayan tulad ng mga school bldgs. bagong hospital mga mahahabang tulay at ccp at kung ano-ano pa! natural mabuti at matulungin ang tingin ng mga tao kay madam imelda, pero ang hindi natin alam at d same time kung gaano kalaki ang mga projects nya ganon din kalaki ang kurakot nya. ganon din c wellie,mas malaking pera ang napupunta sa kanya kesa sa mga pinamimigay nya. kaya very lucky talaga sya, kaya gusto sya ng masa kc namimigay sya ng pera at hero pa ang tingin sa kanya, pero ang di natin alam ginagamit din tayo ni wellie. ganon lang yun gamitan!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 138  mafi_muk

    04/28/2011 | 12:37 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 137  usbfre07

    04/28/2011 | 12:36 AM
    abscbn1st, remember that ABSCBN and Revillame are in the thick of bitter legal dispute pending with the courts in which ABSCBN sought to stop Willing Willie show but failed countless times, even in the Court of Appeals. The more troubling example, of ABSCBN involvement in this case, is the involvement of Dr. Carandang, a self-proclaimed expert on child psychology issues, who has denounced Revillame over the Jan Jan issue although she has yet to meet the boy to make an informed assessment on him. How can anyone throw the first stone and still serve as an "objective" resource person and render an impartial assessment on the boy for DSWD. Doesnt her unsolicited letter to MTRCB tell us that she had already made up her mind on the issue? didnt she already prejudge the issue?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 136  HornBlower

    04/28/2011 | 12:33 AM
    130 132...Labas ang relihiyon sa usapang ito. Dahil maaring perfect ang isang relihiyon pero hindi ang mga tao. Si Willie ang nagkaMALI at hindi ang relihiyon. Walang dahilan para ikumpara mo dito ang katoliko sa muslim tulad ng naicomment mo sa 130. Sayang at beauty54 pa naman ang iyong pangalan kung dahil lamang sa kaso ni Willie ay mawawala na ang iyong paniniwala sa isang relihiyon, pinalalyo mo lamang ang usapang ito. Para ka ring si Willie na kung sino-sino ang itinuturo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 135  stubbiz

    04/28/2011 | 12:28 AM
    This is really absurd! This is again philippine officials at work at their BEST. I'm not a fan of WR, but I think this again is backed by political power trips as usual. Why dont this agency work on the REAL child abuse cases. This reminds me again of what pinas is all about.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 134  HornBlower

    04/28/2011 | 12:25 AM
    Paano nila mahuhuli ang sindikato e kung kay Willie pa lang ay hindi na nila kayang hulihin ito? Hindi naman nakita ng DSWD ang pagpe-perform ni Jan Jan sa school kaya walang dahilan para kasuhan ang mga ito. Idinadawit lamang ni Willie Revilliame ang mga ito para nga naman mabigyan niya ng katuwiran ang pinag-gagawa niya kay Jan Jan. Ano naman ang relasyon ng relihiyon sa topic na ito? Hindi porke katoliko ka na ay perfecto ka ng tao at hindi nagkakamali. At hindi porke muslim ka ay lagi ka na lang mali. Pareparehas na tao ang mga iyan kaya nagkakamali at ang pagkakamaling iyan ang itinutuwid ng BATAS gaya na lang ng pagtuwid sa MALIng nagawa ng Willie Revilliame kay Jan Jan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About