Ilang oras bago ilibing si AJ Perez kahapon ng tanghali, April 26, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christ the King Chapel, Greenmeadows Subdivision, ang ilang mga taga-ABS-CBN.
Kabilang na ang executives na sina Deo Endrinal at Roxy Liquigan, at ang isa sa resident directors ng istasyon na si Don Cuaresma.
Malaki ang naging bahagi ni Direk Don sa pagiging artista ng yumaong young actor bilang direktor ng teleseryeng Sabel, na pinagbidahan ni AJ as leading man to newcomer Jessy Mendiola.
WHAT COULD HAVE BEEN. "Isang malaking kakulangan ito sa aming lahat, lalo na kung iisipin natin na napakarami pa naming plano para kay AJ," bungad ng business unit head ng ABS-CBN na si Deo Endrinal.
"Pero talagang ganon, di ba? Hindi naman natin mape-predict kung anong mangyayari. But we still pray for him, for his safe passage."
Nabanggit uli ni Deo ang nalathala sa YES! magazine tungkol sa feature article nitong "The Next Big Thing."
Kabilang si AJ Perez sa mga tinatayang magiging malaking pangalan sa bakuran ng ABS-CBN sa taong ito at sa mga susunod na tatlong taon. (CLICK HERE to read related story.)
"Nandiyan naman siya," pagtukoy pa ni Deo.
"Karamihan ng mga sinabi namin about him, totoong...we really look forward to working with him pa sana.
"But I'm very happy. At least, bago niya tayo iniwan, nabigyan namin siya ng isang malaking project, na nai-launch namin siya as a leading man, in Sabel."
Sa nasabing YES! article ay nakasaad din ang tungkol sa upcoming project para kay AJ Perez—"a movie with Star Cinema, where he is one of the leads."
Sabi ni Deo, "Wala pang title yun, e, pero nag-pictorial na sila. Sisimulan talaga yung team-up nila ni Julia sa movie."
Si Julia Montes ang kasalukuyang female lead ng still ongoing at toprating na Mara Clara ng Kapamilya network.
"I remember specifically requesting na sana makita ko na sa pelikula 'yon," sabi rin ni Deo, referring to the new planned team-up.
"After Mara Clara, ang plan ko talaga was for a Julia-AJ [movie]."




0

