news

Shalani Soledad gets surprise birthday party from Willing Willie family

by Nerisa Almo posted on April 27, 2011  STATS: 1318 Views | 30 Comments

 

"Sana marami pa akong magawa bilang konsehal. Sana mag-improve tayo as a host, at sana mas gumanda ang programa... Sana pati ang lovelife din maging masaya," wishes Valenzuela councilor Shalani Soledad for her 31st birthday.

Photo By: Noel Orsal

Inakala ni Valenzuela councilor and Willing Willie host Shalani Soledad na maliit na salo-salo lamang ang inihanda ng kanyang ina para sa pagsalubong ng kanyang ika-31 na kaarawan.

Subalit nagulat siya nang makita niya ang isang malaking asalto na inihanda para sa kanya ng mga Kapatid niya mula sa Willing Willie.

 

"Ang ine-expect ko talaga is small party lang. I was only expecting my family, close friends, 'tapos nagulat ako, marami," masayang sabi ni Shalani sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Halos mag-a-alas diyes na ng gabi nang dumating ang konsehala kagabi, Abril 26, sa Gazebo Royale sa Visayas Avenue, Quezon City.

Naghihintay na roon para batiin siya ng "maligayang kaarawan" ang kanyang mga kapamilya at kaibigan.

Bukod sa kanyang ina na si Evelyn San Ramon, na naging punong-abala sa paghahanda ng asalto, ikinatuwa rin ni Shalani ang pagdalo ng kanyang ama na matagal niyang hindi nakapiling—ang dating chairman ng Banco Filipino na si Adolfo Aguirre.

"This is my first birthday na kasama ang daddy ko," nakangiting sabi ni Shalani habang tinuturo kung nasaan ang kanyang ama.

Kumpleto rin ang lahat ng staff ng Willing Willie, na pinangungunahan ng main host nito na sa si Willie Revillame. 

Nandoon din sa pagdiriwang ang ilang bigwigs ng Kapatid network at Wil Productions na kinabibilangan nina TV5 vice president and COO Robert Barreiro, at ang mag-amang Atty. Boy at King Reyno.

Kasama rin sa mga dumalo ang executives ng Viva Entertainment na sina Vic del Rosario, Veronique del Rosario, at Vincent del Rosario.

Namataan din ng PEP sina Senator Manny Villar at ang anak niya at kasalukuyang Las Piñas representative na si Mark Villar.

Samantala, maaga namang dumating si dating Department of Enviroment and Natural Resources secretary Mike Defensor.

Si Valenzuela District 2 councilor Riche Dolorito Cuadra ay kabilang naman sa mga naging abala sa paghahanda ng surprise birthday party sa kapwa niya konsehal na si Shalani.

Ang pagsasalu-salong ito ay asalto na rin para kay TV5 President Ray Espinosa, na hindi naman nakadalo kagabi.

Naghanda rin ng cake ang grupo para sa business unit head ng Willing Willie na si Jay Montelibano, na nagdiwang din ng kanyang kaarawan kamakailan.

VERY GRATEFUL. Nang bigyan ng pagkakataong magsalita si Shalani sa entablado, ilang sandali bago ang kanyang aktuwal na kaarawan, nagpasalamat siya sa mga importanteng taong naging parte ng kanyang buhay.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  alexander34

    04/29/2011 | 11:23 AM
    pake ni shalani love nyo sya......NAGMAMARUNONG kayo kung cnung bagay kanya....e!.kyo....NATAGPUAN nyo na b un bagay s inyo..???....e cigurado HNDI p kc BAKIT? kmo....e ANGSASAMA ng UGALI nyo.e.......MANGHUHUSGA n kyo...NAGMAMARUNONG pa kyo....mga P kaya kayo.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  maraya

    04/29/2011 | 06:44 AM
    Nawala yung pagtingin ko sa kanya nung sumali siya ng WW. It showed she was just a politician, willing to do anything to be popular and get votes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  senior60

    04/28/2011 | 02:43 PM
    ibig sabihin, magkapatid sila sa ama sa husband noon na ni pinky de leon? nakakawindang din ang kanyang mader, natakot ba na lapit na mawala sa kalendaryo ang edad ni shalani at hahayaan na lang mag ano, mag wala?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  kadabarkads

    04/28/2011 | 11:18 AM
    sayang sya beauty and brain pa nman tapos mapupunta lang kay lolo welley
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  BETCHA68

    04/28/2011 | 10:49 AM
    Bakit, sila na ba ni Willie? Marami pang deserving na lalaki dyan. Huwag ka lang mainip may darating din na magmamamahal sa yo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  ssalc

    04/28/2011 | 08:32 AM
    Hi Shalani belated happy birthday ang ganda mo lalo kang naging blooming. Sana always ka naka smile at huwag mong isipin yung mga negative issue o mga paninira sayo basta stay beautiful and happy. Kung ano ang magpapasaya sayo gawin mulang basta alam mong wala kang inaapakang tao at malinis ang kalooban mo ituloy mulang yan batikusin kaman nila sinasabing cheap ka bat ka pumayag na maging host ni Willie hayaan mo sila. Basta galingan mulang at matutupad ang mga pangarap mo happy Birthday again and excited na kami makabalik ang Willing willie at makita ka at marinig muli ang pamatay mong 123 go!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  melody2

    04/28/2011 | 08:02 AM
    Shalani is so simply beautiful inside and out. Miss seeing her in WW so sana she will be given other projects by Channel 5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  melody2

    04/28/2011 | 07:59 AM
    On this special day for Shalani, can we just forget all the nega comments and just wish her the best of everything with or without Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  sam66

    04/28/2011 | 03:50 AM
    i love you shalani, sana magkabalikan kayo ni PNOY! LOVE ko kayo dalawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  diane84

    04/28/2011 | 02:13 AM
    lols! puro ATTY mririnig mo sa TV5..lols kasi nga..dami KASO..HAHA LOLS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  HornBlower

    04/28/2011 | 01:40 AM
    Hindi ba sabi ni Christy Fermin na isang karangalan ng isang babae ang bastusin ni Willie Revilliame. Kung ito kayang si Shalani ang BASTUSIN ni Willie sa tingin ninyo kaya ikararangal ito ng konsehala ng Valenzuela?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  usbfre07

    04/27/2011 | 11:31 PM
    simple but elegant...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  abscbn1st

    04/27/2011 | 11:01 PM
    ang ganda ni Shalani, pero sana bawasan nya ang mga pronouncement nya na walang mali sa ginawa ni Willie about Jan-jan, kasi nakakabawas sa credibility nya as a councilor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  beauty54

    04/27/2011 | 10:48 PM
    WOW !!! Ang ganda mo Miss Shalani . Huwag mong pansinin ang mga negang komento dahil iyan ay inggit lamang sila sa kinatatayuan mo ngayon. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo ,at wala ka namnag inaapakan na tao mahimbing ang pagtulog mo. I'm one of ur biggest fan of Willing Willie from Oslo, Norway. Sana makita ka namin ng persona this summer , at manonood kami ng live sa show Willing Willie. WE WIL STAND!!!! HAPPY 31st BIRTHDAY TO YOU!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  puckerlips143

    04/27/2011 | 10:08 PM
    Wag na magtaka if she want an old man to marry kasi nga lumaki syang malayo sa ama she's only looking for a father figure na at the same time mamahalin Nya at mamahalin sya. Pero wag sana si Willie Baka magaya ka Kay princess p.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  puckerlips143

    04/27/2011 | 10:03 PM
    ang Ganda ni shalani lalo na pag may make up baby face mukha Nya. Happy birthday.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  marj08

    04/27/2011 | 09:47 PM
    wow ang ganda ni Shalani sa picture
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  lovejlc

    04/27/2011 | 09:11 PM
    and i forgot, sana palitan mo stylist mo. mas bagay sayo ang simple kesa un mga one shoulder or tube dress na lagi mo sinusuot sa WW. mas simple at bagay sayo un pants or simple blouse,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  lovejlc

    04/27/2011 | 09:09 PM
    happy birthday shalani,.. i dont know if why she wants na mas malaki ang age gap sa knya ng lalaki? sure naman ako may nanliligaw sa knya na in line of 30s lang. dati mega kilig ako sa kanila ni PNoy. sana kung may chance pa magkabalikan nalng sila dalawa. mas piliin ko c pnoy kesa kay willie noh hahaha! anyway God bless us all . again happy bday,and sana lang maging happy na lovelife mo, and sana wag c willie. dami pa nman lalaki dyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  lizaganda

    04/27/2011 | 09:07 PM
    ang ganda ni shalani. happy birthday!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About