AJ Perez's Maalaala Mo Kaya episode earns favorable response from viewers

William R. Reyes
Monday, May 02, 2011 @ 12:00PM  |  36600 views

 

AJ Perez (right) starred with child actor Bugoy Cariño in the "Tsinelas" episode of Maalaala Mo Kaya, which was aired last Saturday, April 30, on ABS-CBN. It was AJ's last performance as an actor since he passed away last April 17 in a vehicular accident.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN













As expected, magagandang feedback from viewers ang natamo ng  episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na isinahimpapawid noong Sabado, April 30, sa ABS-CBN.

Hindi na bago ang mga papuri, tuwing may isinasahimpapawid na MMK episode. Pero kakaiba at mas significant ang naging positibong reaksiyon ng manonood sa last-shown episode dahil ito ang huling pagganap ng namayapang young actor na si AJ Perez.

Pinamagatang "Tsinelas," ang episode ay nagtampok kay AJ at sa batang aktor na si Bugoy Cariño bilang mga ulilang magkapatid na itinakwil ng mga kamag-anak sa siyudad. Nagpasyang maglakad na lang hanggang Catbalogan, Samar ang magkapatid na naghihirap.

Isang road teleplay ang episode. Idinetalye rito ang pakikipagsapalaran ng magkapatid na Edgar (AJ) at Dagul (Bugoy)—mula Quezon City patungong Laguna, Batangas, Quezon, Legaspi, Albay, Sorosogon—hanggang makapuslit sila sa truck na isasakay ng barko papuntang Samar.  

Mahirap mang mawari, ang karanasan ng magkapatid ay isang halimbawa ng so-called "triumph of the spirit" na dito nasusukat ang hangganan ng pagkatao at lubos na pananampalataya sa Diyos. 

"This episode with AJ is one of the most fulfilling episodes that I've done," sabi ni direktor Dado Lumibao sa text message na ipinadala niya sa PEP.ph ngayong umaga, May 2.  

"Ngayon pa lang lalabas ang ratings, and I pray it rates well," aniya pa nang kumustahin namin ang resulta ng nabanggit na episode sa ratings.

Sa household ratings ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila households, nagtala ang "Tsinelas" episode ng Maalaala Mo Kaya ng 26.8 percent—pinakamataas na rating sa lahat ng mga programa noong Sabado.

Si Lumibao ay isa sa resident directors ng top-rating drama anthology ng Kapamilya network.

"Based on the feedback, it's overwhelming! Nag-number 2 sa trending sa Twitter," banggit pa ng direktor. 

Kumusta ang naging pagtanggap ng pamilya ni AJ—his dad Gerry, mom Marivic, and younger brother Gello—sa ipinalabas na huling performance ng mahal nilang yumao?

"I haven't heard from the family directly but based on what I heard, they're so overwhelmed," sabi ni Direk Dado.

Sa huling bahagi ng episode, matapos ang closing credits, ipinakita rin ang kaukulang pamamaalam ng MMK kay AJ Perez. Ipinakita ang mga retrato at esksenang nakangiti at punung-puno ng buhay ang young actor; nag-flash rin sa screen: "Mananatili ka sa aming alaala, Antonello Joseph Sarte Perez."

THE FEEDBACK. PEP requested na mailathala rin ang mga positibong reaksiyon mula sa viewers na nai-send kay Direk Dado, which he politely obliged. Although, "I can't mention their names, am not sure kasi if it's ok with them," Dado begged off.

Anyway, here are some of the comments:

1  2  3  4  Next »

Related Articles

37 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name