news

Vic Sotto reveals desire to win an acting award someday
by Bong Godinez posted on May 3, 2011  STATS: 26646 Views | 12 Comments

 

Ace comedian Vic Sotto reveals feeling uncomfortable with the "iconic" label now commonly being attached to his name by fans, media, and peers from the showbiz industry.

 

Photo By: Noel Orsal

Isang video presentation ang inihanda ng Kapatid network para sa ace comedian at TV host na si Vic Sotto kahapon, May 2, sa press conference ng Who Wants To Be A Millionaire, na isinagawa sa KB Studios sa Cainta, Rizal.

Muling mapapanood dito sa Pilipinas ang local franchise ng patok na British game show simula May 15, 6:30 p.m., sa TV5.

Nagdiwang si Vic ng kanyang 57th birthday last April 28, at kasama sa mga bumati sa kanya sa pamamagitan ng video ay ang mga anak na sina Oyo Sotto at Danica Sotto-Pingris, Ruby Rodriguez, kapatid na si Val Sotto, at Alice Dixson, na dating nakasama ni Vic sa comedy-fantasy sitcom na Okay Ka, Fairy Ko!.

 

"Usually, ang wish ko, para sa ibang tao and hindi para sa akin," bungad ni Vic nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung meron ba siyang partikular na birthday wish.

"Hindi naman ako palahiling, e. Ako, basta kung ano ang dumating, I make the most of it.

"I enjoy it kahit mapaganda o mapasama pa 'yan, e, pinapakinabangan natin."

HUNGRY FOR MORE. Walang duda na isa si Vic sa mga maituturing na haligi ng Philippine entertainment dahil sa mga kontribusyon niya sa larangan ng telebisyon, pelikula, at maging musika bilang dating miyembro ng '70s disco funk band na VST & Company.

Maging ang Comedy King na si Dolphy ay nagpahayag noon na malaki ang paniniwala niya na si Vic ang puwedeng sumunod sa kanyang trono bilang comedy royalty.

Bagamat "flattered" si Vic sa mga natatanggap na papuri, inamin din niya na hanggang ngayon ay hindi siya kumportable tuwing bibitawan ang mga salitang "iconic" o "legendary" bilang paglalarawan sa kanyang estado bilang entertainer.

"Kapag mga ganyan-ganyan, parang tribute na, e!" natatawang pahayag ni Vic.

"Hindi ko na lang pinapansin. 'Iconic', di ba?

"Kasi ang Eat Bulaga! is an icon sa ganito, ganun. But me, sa personal, parang hindi ko kayang lulunin."

Kaugnay naman sa papuri na ipinagkaloob sa kanya ni Dolphy, ito ang sinabi ni Vic: "Wala nang puwedeng pumalit sa pagiging Hari ng Komedya niya.

"Ako, at yung mga iba pang nasa komedya, e, mananatiling tagahanga ni Mang Dolphy."

Sa kabila ng makulay at matagumpay na career sa showbiz ay marami pa raw gustong subukan at patunayan si Vic hindi lang publiko, kundi maging sa kanyang sarili.

"I want to do more beautiful movies, more meaningful TV shows, more public service, more love," seryoso niyang sambit.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  dindong777

    05/04/2011 | 02:29 PM
    there's nothing wrong in dreaming...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  peppito

    05/04/2011 | 11:40 AM
    Bossing Vic sa MMK is a great idea...proven naman siya sa drama acting kapag gumagawaang EB ng mga lenten presentation nila kaya sana matuloy yan...mas maganda sigurokung sila ni Bea ang magkaparehas tutal fan naman si bossing ni bea dba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  alkassim

    05/04/2011 | 02:41 AM
    kuribachi yap ako din agree ako..tingin ko ok nga sila ni Toni G..yung drama-comedy..pwede rin heavy drama para challenge talaga kay bossing..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alkassim

    05/04/2011 | 02:39 AM
    yeah!agree ako sa mga comment dito..MMK for Bossing?why not!for a change!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kuribachi

    05/03/2011 | 09:55 PM
    Gusto ko sila ni toni g
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovinABS

    05/03/2011 | 09:03 PM
    wow ako din i agree, an MMK for Vic Sotto, paging Ms. charo! He could be paired with Dina too. or coney reyes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • TFCSultan

    05/03/2011 | 08:45 PM
    sana pwede syang gumawa ng isang episode ng MMK.. record breaking yun im sure.. excited na ko for bossing vic to do drama.. paging mam charo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yamnt2007

    05/03/2011 | 06:07 PM
    ang guwapo ni bossing!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kulit_18

    05/03/2011 | 06:05 PM
    like ur idea kuribachi... comfort zone n ni bossing ang comedy e... why not try drama para maiba... im sure mmk could give him a good material.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mookistar

    05/03/2011 | 05:19 PM
    Bossing Vic Sotto is so humble. Kaya ang biyaya bumubuhos sa kanya. Napakadown to earth nay at walang kayabang yabang sa katawan. Super dami ng natulungan pro kahit Minsan Hindi Nya pinangalandakan. I admire this man so much. Kulang ang tanghali pag d ko napanood. Pulos good vibes ang makikita sa kanya at npaka soft spoken. Bossing mabuhay ka and I wish you long life coz I can't imagine na walang Vic sotto sa hapag kainan. For me and for your millions of fans, You are the one and the only box office king of all time. My prayers are for you and MaBUHAY KA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • juris

    05/03/2011 | 03:32 PM
    Belated happy bday Bossing!I wish you good health,long life,more blessings,more laughs,more apos and a reconciliation with Ms Dina Bonnevie now that you are both matured and family oriented.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kuribachi

    05/03/2011 | 03:14 PM
    Sana makagawa sya ng MMK
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About