news

MTRCB suspends Willing Willie for one month; Willie Revillame's show may return May 9

by Nerisa Almo posted on May 3, 2011  STATS: 2533 Views | 123 Comments

 

"We can already start airing May 9, but we're still discussing internally while rehearsals are ongoing daily, if May 9 is already a go," says Willing Willie business unit head Jay Montelibano about the suspension order of MTRCB against the show. Willing Willie is hosted by Willie Revillame (in photo).

 

Photo By: Noel Orsal

Isang buwang suspension ang ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa game-variety show ng TV5 na Willing Willie kaugnay ng kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan.

Matatandaan na naging mainit na balita ito nitong mga nakaraang buwan dahil sa kontrobersyal na March 12 episode ng Willing Willie.

Sa naturang episode, isang six-year-old na batang lalaki ang ilang ulit na pinasayaw ng "macho dance routine" ng TV host na si Willie Revillame sa segment na "Wil Time Big Time." (CLICK HERE to read related article.) 

Sa desisyong ipinalabas at inilathala ng MTRCB sa website nito ngayong araw, May 3, ito ang napagkasunduan ng mga board members:

"1. For violation of Section 3 © of PD 1986, the penalty of SUSPENSION for ONE (1) MONTH is hereby imposed on the program Willing Willie, and crediting the period of its voluntary suspension.

"2. The show is placed on Probation, or on a per-episode permit basis."

Base sa desisyong ito, makakabalik na ang show sa darating na Lunes, Mayo 9—dalawang araw matapos ang napabalitang pagbabalik ng programa.

Kasama na sa bilang ang mga araw na nawala ang programa sa ere, kaya halos isang linggo na lang ang nalalabi sa suspension nito.

Matatandaan na noong Abril 18, inihayag ni Willie na hindi muna ipalalabas ang kanilang programa sa loob ng dalawang linggo. (CLICK HERE to read related article.) 

Nakatakda sanang bumalik ang Willing Willie noong nakaraang linggo.

Ngunit hindi pa rin umere ang programa dahil, ayon sa business unit head ng programa na si Jay Montelibano, hinihintay pa ng kanilang grupo ang advice ng TV5 pagkatapos makipag-usap ng network executives sa MTRCB. (CLICK HERE to read related article.) 

Nang tanungin ng PEP si Montelibano ngayong hapon kung makababalik na ang programa sa Lunes, May 9, ito ang naging sagot niya sa aming text message:

"We can already start airing May 9 but we're still discussing internally, while rehearsals are ongoing daily, if May 9 is already a go."

Sinubukan din naming linawin kung sa "per-episode permit" na desisyon ng MTRCB ay kailangang i-review muna ng ahensiya ang kanilang episode bago maipalabas.

Ayon kay Montelibano, maaring hindi ito maging applicable sa kanilang show dahil "live" na umeere ang Willing Willie.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

123 Comments

  • 123  INGITZ

    05/12/2011 | 07:02 PM
    HURRAY!!!!!!! BIGGGGGGGGGGGGG TIMEEEEEEEEE WILLIEEEEEEE TIMEEEEEEEEEEE.....THIS IS THE DAY OF REJOICE!!!!! TFC SUBSCRIPTION DISCONTINUED ALREADY......COZ OF YA!!YA!! Y.P.Y.P....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  Sintosintowillie

    05/09/2011 | 03:47 PM
    Yehey! ang sarap sarap ng manood ng TFC ngayun wala ng Wowowee! hapy Yipee Yehey na!Ang dating pangarap lang na mawala ang isang hambog at bastos na host ay nagkatotoo na! God is Good!He will do His Things in Mysterious Ways! Now channel 5 naman ang binibigyan ng sakit ng ulo ng isang Willie ang pangalan at hindi katakataka that history will repeat itself hehehe. Just be patient sabi nga ni Kim Atienza Weather weather lang Yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  Sintosintowillie

    05/09/2011 | 03:37 PM
    hahaha! nakakatawa naman yang comment mo lilaco08. Talagang pag binabasa ay malalaman na wala sa katinuan ang pagiisip ng nagsusulat. Hello May 9 na wala pa rin yung show ng idol mo. Nakakatawa eto lang ang show na kailangang manghingi ng permit per show to air.heheheh anu ba yan sa Metro Manila na nga lang napapanood at paunti unti sa probinsya at totally wala sa abroad me parusa pa hahhahah! What a pity!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  INGITZ

    05/08/2011 | 08:31 AM
    THIS COLUMNIST IS ONE SIDED!!!!! WHERE IS OUR FREEDOM OF SPEECH!!!! HELLO!!! WHERE IS OUR DEMOCRACY!!!!! WHY WE CANNOT VOICED OUR OUR OPINION!!! WE ARE NOT IN A COMMUNIST COUNTRY....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  INGITZ

    05/08/2011 | 06:35 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  nelly1958

    05/07/2011 | 03:27 AM
    ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh pera pera lang yannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn ma tsunami sana kau mga lawyer n la kwentaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  Tricycleboy

    05/07/2011 | 02:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  Tricycleboy

    05/07/2011 | 02:20 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  Sal_Dank

    05/06/2011 | 07:20 PM
    Tricyleboy huwag mong babaliktarin kong sinung nanglalait,dahil paanu ka lalaitin ikaw na mismo ang nagsasabi sa sulat mo kong sinu ako or yung Fans ni Willie di ba?Basahin mo kaya uli?Kong sa talino mong yan dapat maintindihan mo ang sinusulat mo!!Ikaw mismo ang humusga na sa akin kong sinu ako?Di mo pa ako kilala!!Halata na dito sa sulat mo na talagang,ang ugali mo ay isang mapanghusgang tao,mabuti kong ang panghusga mo sa kapwa ay mabuti,e hindi!!ginagawa mong kriminal ang isang tao na di mo kilala at wala kang katibayan,sa nakikita mong panglabas at tsismis nanghuhusga kana!!Yan!!ang dapat baguhin ng taong mapanghusga sa kapwa!Pulutin ang tama iwasan ang panghuhusga sa kapwa tricyleboy!!!!Yan lang ang Punto ko!!!Huwag kanang manood sa Wiling-Willie kong minamasama,nagkakasala kalang!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  Sal_Dank

    05/06/2011 | 07:05 PM
    Akala ng mga Haters ni Willie ay mga Matatalino,pero ang nakapagtataka bat diginagamit sa mabuting paraan ang akala nilang talino,ginagamit lang sa masamang panghuhusga sa kapwa!!nakakaawa tong mga taong ito!!Ilan pa kayang Pinoy ang pag-uugaling ganito?Naghahari ang inggit sa kapwa,sakim pa!!!Ayun si tricycleboy pinaglalantaran nya na sa Internet kong anong meron syang kabuhayan,kong totoo! dilang kayabangan.Kasi ang taong maykaya sa buhay ay mapagkawanggawa,at ang kayamanan ng isang tao ay ang mabuting ugali!!Yan dapat ang meron ka Tricyleboy at ibang taong haters sa kapwa!!!Anu tricyleboy?Ok na ba?huwag mong ipagmalaki d2 kong anong haters mo sa kapwa mo at kong anong meron kang materials sa buhay mo dahil dimo kilala ang mga kapwa mong pinagmamalakihan mo d2 sa Internet!!!Kawawang nilalang!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  einra17

    05/06/2011 | 02:06 PM
    Nakakalungkot talaga ang isang realidad nang buhay...We always tend to get even sa mga kaaway at kinagagalitan natin, hanggang hindi nakikitang lugmok na, hindi titigilan. Instead of maging subjective at equal tau sa mga pangyayari... I personally do not like willie, pero tama nga ang iba na masyadong personalan na ito, hanggang hindi nila mapatumba si willie, hindi sila titigil. Hindi na nga talaga mawawala ang crab mentality natin, basta umangat tau wala nang pakiaalam sa mga sasagasaan natin. Napakadaming problema nang bansa at child abuse cases na dapat mas natututukan, kesa dito na pinag aaksayahan nang panahon nang kung sino2. wla na nga ata taung katutuhan sa buhay... NAKAKALUNGKOT!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  Tricycleboy

    05/06/2011 | 01:31 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  lilac0808

    05/06/2011 | 07:06 AM
    tricycleboy, sinong lolokohin mo.. mapagbalatkayo kang tao, ang sabihen mo nagtratrabaho ka para manghusga hehehe... sinong tricycleboy ang magkaka interest sa internet at magbabad para lang manglait dito sa mga taga supporters ni Willie? ang mga totoong mahihirap , wala yan pakiaalam sa issue, andon iyon naghahanapbuhay para may makain. Isa kang huwad na mahirap. mag witness ka na lang kina john silva, para manalo sila. hik hik!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  Sal_Dank

    05/06/2011 | 06:46 AM
    Tricycleboy!!!Huwag mong sayangin ang sinasabi mong talino mo d2!!Gamitin mo yong talino mo sa Korte at labanan mo ng patas kay Willie na kinaiinggitan mo!!Ikaw na ang mayaman at matalino at nakakahigit sa lahat walang naiinggit sayo!!Kahit kamo ay kami tamad or lahat na ng pang-alipusta sa akin ay ok lang,tinatanggap ko naman eh!!Dahil ang turo ng magulang ko ay ang taong mapagkumbaba ay pinagpapala!! Dapat ikaw tricyleboy ay huwag mong sayangin ang talino mo sa inggit sa kapwa!eh,masmasahol kapang masama kaysa hinuhusgahan mo!!.Shame You!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  Tricycleboy

    05/06/2011 | 05:46 AM
    lilaco808 "nakaginhawa lang ng konti akala mo sino na" baka yung idol mo ang tinutukoy mo? kahit tricycleboy lang ako, kumakayod ako, pinaghihirapan ko ang kita ko , di katulad ninyo at iba pang fan kuno ni WR, ayaw ikilos ang ma tamad niang katawan, naghihintay lang maambunan ng barya ni willie boy.Mga lintang maliliit na nakakapit sa malaking linta...sumisipsip ng dugong maitim at patay...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  lilac0808

    05/06/2011 | 05:42 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  lilac0808

    05/06/2011 | 05:30 AM
    trycicleboy, mas gugustuhin ko pa nga ang amoy ni willie kesa amoy mo. hehehe... salita mo pa lang pang walang pinag aralan na. hehehe... kahit ano pang sabihen niyo, loser kayo mga haters! mamatay kayo sa galit pero kami.. cool na cool lagi,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  lilac0808

    05/06/2011 | 05:26 AM
    sintosiwillie, aw masakit ba marinig ang katotohanan , ikaw ang nagsimula ng out of topic dinagdagan ko lang. kung gusto mo na wag ma out of topic huwag kang mammemersonal. tapos ngayon , sasabihen mo out of topic, sino ba nagsimula di ba ikaw? sinagot lang kita. Hinde ako pwedeng maiingit sayo , kahit pa yan naka aircon nandiyan ka pa rin sa mainit na lugar at pilit nagtitiis ng hirap at lungkot, iniwan ang pamilya , kayod kalabaw may maipadala lang..kaya ikaw huwag kang mayabang. di ako naiinggit sa mga katulad mong nakaginhawa lang ng konti akala mo sino na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  Tricycleboy

    05/06/2011 | 01:45 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  Tricycleboy

    05/06/2011 | 01:36 AM
    Sal Dank...ikaw lang siguro at yung kakambal mong lilaco808 ang nakaintindi ng mga pinagsasabi mo, magaling pa yung grade one student sa barrio namin magsulat sa iyo...bumalik ka muna sa grade school... bago ka magsulat dito.... subukan mo munang magsulat gamit ang lapis bago ka sa keyboard, o kaya idrawing mo nalang kungdi di mo maisulat....di ka mabibigyan ng omento ni Willieboy niyaan...pinakape kalang yata at pandesal..kaya walang kalatoy latoy ang pinagsasabi mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About