news

Katrina Halili's bar, co-owned with other celebrities, closed down without her knowledge

by Ruel J. Mendoza posted on May 7, 2011  STATS: 1117 Views | 21 Comments

 

"Most of the money na naipon ko mula sa pag-aartista ko, at sa mga naging endorsements ko noon, nai-invest ko sa Barracks," says Katrina Halili about the bar she co-owns with other celebrities.

Photo By: Noel Orsal

Walang kaalam-alam si Katrina Halili na nagsara na pala ang bar kunsaan isa siya sa mga investors—ang Barracks na matatagpuan sa Tomas Morato, Quezon City.

Isa si Katrina sa labindalawang celebrity investors ng naturang bar nang magbukas ito noong 2007.

Kasama ni Katrina na nag-invest sa Barracks sina Allan K, Dennis Trillo, Diana Zubiri, Jaya, JC de Vera, Alfred Vargas, Wesley Gonzalez, at iba pa.

Kuwento ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa press launch ng Munting Heredera, last May 3, sa Studio 7 ng GMA Annex Studio, may nagsabi lang daw sa kanya na sarado na ang naturang bar.

Hindi naniwala agad si Katrina dahil kailan lang daw ay napadaan siya doon at bukas pa ito.

"Noong sinabi nga sa akin 'yon, nagtaka naman ako. Kasi kapag napapadaan ako doon kapag wala akong trabaho, marami namang tao.

"Pero noong sinabi nga sa akin na nagsara na, gusto kong makita kung totoo.

"Noong dumaan nga ako, nakita ko nga na madilim yung lugar, tapos closed nga siya.

"Kaya tinawagan ko ang mga dapat tawagan, di ba? Kasi nga, nag-invest ako ng malaking pera sa bar na 'yan.

"Hindi lang naman ako, marami kami. Kaya gusto kong malaman kung ano ang mangyayari," sabi ni Katrina.

Ang ama na raw ni Katrina ang mag-aasikaso ng tungkol sa nilagay niyang investment sa naturang bar. Ito na rin daw ang makikipag-usap kung ano ang kalalabasan ng na-invest niyang pera.

Ayaw naman i-disclose ni Katrina kung magkano ang pinasok niyang pera sa Barracks.

"Confidential na lang po. Pero malaki po siyang halaga," nakangiting sabi ni Katrina.

"Most of the money na naipon ko mula sa pag-aartista ko, at sa mga naging endorsements ko noon, nai-invest ko sa Barracks.

"Tinawagan naman ako ni Mama Lito [Alejandria] at magkakaroon kami ng meeting with the other investors."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  h0tmama

    05/09/2011 | 10:59 AM
    ganun talaga pag masyadong nagtitiwala kaya katrina wag kang mag tiwala kahit sa mga taong nagpupost dito ng comments the world is not safety anymore but i suggest continue working hayaan mo na ang ibang walang magawa sa buhay kaya nandito nag tatambay sa pep hahaha dont worry may work ako nakikisilip lang kasi boring ngayon eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  creamer

    05/08/2011 | 07:49 PM
    Katrina matagal nang hindi tinatao ang barracks, FYI. gulat nga ako at umabot pa sya ng 2011. dapat kasi sa mga gnayang bars ng celebs constant ang appearances nila para maka attract ng mga tao. hindi enough na malaman na celebrity ang may ari, they have to be constantly visible.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  lynn_q8

    05/08/2011 | 06:41 PM
    hay naku Katrina....kelan kaba maging aware sa mga nangyayari sayo?! hoy gising!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  camcam123

    05/08/2011 | 04:00 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Fabe

    05/08/2011 | 12:47 PM
    hindi nanaman niya alam?????????????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  agusanonko

    05/08/2011 | 12:39 PM
    cgi katrina..kuha na ng abogado demanda na agad alam ko dyan ka may alam..demanda mo lahat mga coinvestor mo hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  tili_2death

    05/08/2011 | 09:14 AM
    There were so many things that you are INVOLVED in, without your knowledge..How come?...just saying.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  infinito

    05/08/2011 | 06:34 AM
    Maginvest ka na lang sa lupa. Mamili ka na lang ng mga lupa. gayahin mo si pokwang. ung lupa ang bilis tumaas ng presyo.. sa mga province ka bibili..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  greencardholder

    05/07/2011 | 11:22 PM
    hello Ms. Disoriented. hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Aresha

    05/07/2011 | 09:02 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  cocojam27

    05/07/2011 | 08:34 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  tili_2death

    05/07/2011 | 07:03 PM
    You don't know how to run one? You better learn now...go to HRM school...showbiz is no longer a stable place for you esp the damage you've done to your reputation. Better learn how manage your own money.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maryclaire

    05/07/2011 | 06:15 PM
    kat, ignorance is not an excuse. lagi ka na lang ganon. gamitim mo naman utak mo, ikaw kawawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • PADUNGOL

    05/07/2011 | 06:04 PM
    ang daming partial EK EK promotion na article para kay K... kaka ereta na.. magparetoke ka na lng kaya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tumssmoothies

    05/07/2011 | 05:32 PM
    hehehe sorry natawa ako sa comment na --- kawawa naman daw si katrina palagi na lang hindi nya alam hehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angelbyday

    05/07/2011 | 04:59 PM
    ang malas naman nito. Tuwing may mangyayari sa buhay nya, palaging wala shang alam.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    05/07/2011 | 04:39 PM
    hindi ba dapat nag meeting sila bago nagsara? bakit magmi meeting after na nagsara? isa siya sa mga investors, she should know whats going on, hindi yung kung hindi pa napadaan doon hindi niya malalaman na sarado na? huwag kasing basta basta nagtitiwala pagdating sa pera, ang dami kayang gahaman pagdating sa pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wanna_change

    05/07/2011 | 04:37 PM
    bumili ka nalang sana ng condo, ipa-renta... o nag-franchise na lang, sure pa yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Ornusa

    05/07/2011 | 03:54 PM
    Mahirap talagang mag invest sa negosyong wala kang alam.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kabados

    05/07/2011 | 03:50 PM
    god bless din s new show mo Kat s Munting Heredera s monday n May 9, 2011 after Captain Barbell
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About