news

Pokwang finally returns to noontime slot; joins Happy Yipee Yehey!

by Rose Garcia posted on May 7, 2011  STATS: 606 Views | 30 Comments

 

"Bonggang nakakapagod, pero nakakatuwa kasi mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. At saka siguro, sobrang na-miss ko," says Pokwang about joining the hosts of Happy Yipee Yehey!.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN

Naging bongga at masaya ang pag-welcome sa comedienne na si Pokwang bilang bagong dagdag na host sa ABS-CBN noontime show na Happy Yipee Yehey! kaninang hapon, May 7.

Sakay ng isang arko ay sumayaw si Pokwang ng '80s dance music na "Shake Body Dancer."

Sa pamamagitan nito ay muli niyang ipinadama sa mga manonood ang trademark niya, na unang nasilayan noon sa Wowowee na nagbibigay-aliw sa maraming manonood.

Dahil Mother's Day bukas, May 8, ay sinorpresa rin si Pokwang ng kanyang anak na si Rie Mae nang live itong bumati sa kanya sa show.

BACK TO NOONTIME. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Pokwang kaninang tanghali sa studio ng Happy Yipee Yehey!, sinabi nitong masayang-masaya siya sa naging pag-welcome sa kanya at sa pagbabalik niyang muli sa noontime show.

"Seryoso, masaya," nakangiti niyang sabi.

"Bonggang nakakapagod, pero nakakatuwa kasi mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. At saka siguro, sobrang na-miss ko."

Hindi naman itinanggi ni Pokwang na noon pa sana siya makakasama sa Happy Yipee Yehey!.

Yun nga lang, kinailangan pa raw ayusin ang schedule niya, tulad ng movies at shows abroad na mga ginawa niya.

Hindi rin daw siya naapektuhan kahit naiintriga siya noon sa hindi niya pagkakasama nang unang umere ang Happy Yipee Yehey! noong February 12, 2011.

Ani Pokwang, "Hindi na. Hindi ko na lang inintindi.

"Nagpaka-busy na lang ako sa mga trabaho, sa trabaho ko abroad, at nagbilang ng blessings."

WORKING WITH BOSSING VIC. Sinasabi na kaya raw hindi siya naisama noong una sa Happy Yipee Yehey! ay dahil sa pelikulang ginawa nila ni Vic Sotto, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak!, na kasalukuyan pa ring palabas ngayon.

Baka raw kasi magkaroon ng conflict kung nagkataong magkatapat pa rin ang noontime shows nila, bilang si Vic ay isa sa mga hosts ng Eat Bulaga! sa GMA-7.

"Opo," kumpirma naman ni Pokwang.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  melody2

    05/09/2011 | 04:47 PM
    Pupulutin talaga kayo sa kangkungan kahit si Pokwang pa ang ipasok ninyo sa HYY contra Eat Bulaga. Si WW lang ang may laban sa EB.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  melody2

    05/09/2011 | 04:43 PM
    I simply don't like that POKWANG. Super and sobrang OA mag-a-arte sa katawan. Hindi na niya malaman kung anong ayos and gagawin to look funny. But it's not funny noh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  Channel275

    05/09/2011 | 02:25 PM
    ABS-CBN! I Suggest tangalin si Mariel Rodriguez at Si Bianca! Wla silang kabuhay buhay mag host at ang corny silang tignan! Pumangit n kc image ni Mariel since ma link sya kay Robin. Nagmuhka syang CHEAP!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  usbfre07

    05/09/2011 | 01:51 AM
    HYY needs a divine intervention or else the management will pull the plug on this show...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  lynn_q8

    05/08/2011 | 06:25 PM
    in addition why not take AI-AI and K Brosas para cool! 3 maria's- pokie, ai and K. diba super kakatawa!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  lynn_q8

    05/08/2011 | 06:24 PM
    Good to see you on HYY POKIE, sa totoo lang I really dont like MARIEL, sana paalisin na rin yan. hindi nyo kailangan ng mga pretty face ok na si TONI G. dyan ang dapat na kunin nyo ung mga may talent at funny! hwag ung mga maarte!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  filoz

    05/08/2011 | 05:10 PM
    Good to see Pokwang in HYY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  n9sapphire

    05/08/2011 | 01:52 PM
    di ko na rin type yan Mariel mula nun ginawa nia kina toni at KC malakas lang talaga yan pano kasi backroom talent ni boy abunda, so masaya na balik na si pokwang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  pinoycali_ako

    05/08/2011 | 01:06 PM
    Mag rate lang yan kung tanggalin nyo yung napaka annoying na Mariel Rodriguez dyan! Buti nga wala c Bianca Gonzalez dyan kasi my gosh, torture na talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  imba2011

    05/08/2011 | 11:40 AM
    5 abscbn_14344 May 8, 2011 00:35 AM talo na eat bulaga next week kasi pumasok na si pokwang. si pokwang lang kasi hinihintay naming mga class a kapamilya sa happy yepeey yeehey.. ---------------------------- hahahaha..consistent ka talaga..lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  deevaq

    05/08/2011 | 10:26 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  xxxhelishaxxx

    05/08/2011 | 10:11 AM
    Magaling si mariel mag host pero for some reason minsan nakakainis sya, may mga salita sya na binibitawan na parang hndi maganda sa tenga, antipatika ang dating...para sa akin lang ha. Si Bianca naman, parang walang buhay ang hosting ang tining lang ng boses, valerie concepcion is way, way better than her. But then again, there's always room for improvement.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  MandK

    05/08/2011 | 09:53 AM
    basta talented talaga binibigyan ng maraming projects tama sana tangalin si Marial at bianca, walang kadating dating ang dalawang ito... main host sana sina toni,pokwang,randy at john s. magaling din si john pratts,pang masa ang dating.. huwag ng ilagay sina matt,melai and jason, ang gulo gulo kasi ng dating.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Channel275

    05/08/2011 | 08:41 AM
    Happy, Yipee, Yehey! I suggest tangalin si Mariel, ang corny nya mag bitaw ng jokes at mag host. Sa tutuo lng maganda nmn tlga ang HYY, yung line-up ng games nila ay pangmasa at maganda tlga panoorin. Kso wlang kabuhay-buhay mag host!. Dapat parang showtime na buhay na buhay!... Continue to improve! Thanks!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  jakar

    05/08/2011 | 08:38 AM
    10...ano si seguerra papasok sa hyy????yan ang hinding hindi mangyayari baka naman nagdedeliryo kana? inom muna gamot bilis...lol grats pokwang!!! happy mother's day and to all the mother'S out there!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  merlion_25

    05/08/2011 | 07:35 AM
    Last and final resort of AbsCbn to save HYY. Pag wala pa ring effect sa ratings , for sure tsugi na ang HYY. haaayyyyy... Lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  deevaq

    05/08/2011 | 06:49 AM
    ok na sana ratings ng HYY na 2.7 eh pagdating ni Pokwang naging 0.1 na lng ang ratings...hahahahaha mga staff at director ng HYY na lng sa control room yata nila ang nanonood ng TV eh...damihan nyo na lng TV nyo sa studio nyo para pangdagdag sa ratings..lahat kasi naka tutok sa EB..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  rmariee

    05/08/2011 | 06:34 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  jenny82

    05/08/2011 | 05:36 AM
    K Brosas Pokwang Chocoleit.silang 3 ang nsa HYYP.natutuwa ako sa kanilang3.alisin na si tony g marielle melai pati bianca m.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  merlion_25

    05/08/2011 | 03:45 AM
    pokwang sa happy ek ek? ah ok.. akala ko pa naman kong ano na.. LOL... Jose, Wally at Paolo pa lang, solve na kami sa katatawanan at relaxation pag noontime. EB forevahhhh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About