Pinabulaanan kaagad ni Mariel Rodriguez ang isyu na siya raw ang dahilan kung bakit ngayon lang nakasama sa kanilang noontime show na Happy Yipee Yehey! ang comedienne na si Pokwang.
Kung may totoo man daw siguro sa isyu, ito ay siya ang pinakamasayang tao ngayong part na ng show nila si Pokwang.
"Palagi ko talagang sinasabi, start pa lang ng show, kahit noong dati-dati pa... Kahit nga noong wala pa akong show, sinasabi ko talaga.
"Si Tito Boy [Abunda, Mariel's manager] nga, 'Tito Boy, what about Pokey?'
"'Mariel, Pokey's managed by the network [ABS-CBN].'
"Sabi ko, 'Yeah, but...'
"Tapos, meron akong gustong gawing show, 'Tito Boy, what about getting Pokey for the show?'
"Si Tito Boy, 'Mariel, stop worrying about Pokey.'
"So, sobra ko talagang saya."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Mariel sa studio ng Happy Yipee Yehey! noong Sabado, May 7.
Biro tuloy ng entertainment press si Mariel na baka siya na ang mag-manage kay Pokwang balang-araw.
"Gusto ko talaga!" tawa niya.
"Kasi yung energy ni Pokey, performer siya, hindi lang siya comedienne.
"Sobrang bilis ng utak. Sobrang spontaneous.
"At saka, yung puso kasi ni Pokwang bilang isang ina, nanggaling sa hirap.




0

