"Pero in fairness naman kay Vic, he has also done a lot for Vico. One thing, he makes time with Vico. Talagang meron silang weekly date. Meron talaga silang time. He comes over sa house. They have dinner. Basta he's in town, ganoon sila," says Coney Reyes about Vic Sotto, the father of her second child Vico.

Photo: Noel Orsal

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Mother's Day kahapon, May 8, si Coney Reyes ang naging panauhin ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa segment niyang "Straight From The Heart" sa The Buzz.

 

Sa nasabing panayam ay binalikan ni Coney ang kanyang pagiging single mother.

Twenty-nine pa lang daw si Coney nang mahiwalay ito sa kanyang asawa noon na si Larry Mumar, dating basketbolista, at maging single parent sa kanilang anak na si L.A. Mumar.

Kuwento ni Coney," I was 29 noong mahiwalay ako sa asawa ko and we had an annulment soon after.

"Alam mo, parang hindi ko kakayanin. I had to take one day at a time, kasi talagang hindi ko kaya.

"Alam mo yung sabi nila, kapag namamatayan ka ng asawa, ang hirap.

"Pero yung mahiwalayan ka sa asawa, feeling ko nga, mas dobleng hirap. 

"Kasi yung patay, alam mong patay na. Hindi na talaga babalik.

"Yung buhay, parang ang dami mo pang mga iniisip. Ang dami pang... Well, there's so many things to deal with."

One of the things Coney had to deal with ay kapag may events ang anak na kasama dapat ang ama.

"Minsan, sinasabi ko na nagpiprisinta na ako na ang sasama.

"Pero siyempre, mas embarrassing naman for them na ako ang pupunta, di ba?

"Sabi niya lang, 'No, Ma, we can handle it.'

"But you know what kept me strong? There's a verse in the Bible na sabi Niya...

"Talagang I cried out to God, e. I really pray. I ask God for strength, for guidance. Hindi ko talaga kakayanin mag-isa.

"Lord said, 'Train up a child in the way he should go; even when he is old he will not depart from it.'