"So, pagbabalik after 16 years I'm back here sa Viva." Ara Mina signed a 5-year contract with Viva Entertainment on her birthday, May 9 at Viva Entertainment office.

Photo: Jocelyn Jimenez

Matapos ang ilang taon niya sa management ni Dondon Monteverde, muling nagbabalik si Ara Mina sa Viva Entertainment.

Sa mismong kaarawan ni Ara Mina, May 9, ay pumirma ulit siya ng kontrata under ng Viva. Matatandaang unang pinamahalaan ng Viva si Ara bago ito lumipat kay Dondon Monteverde.

Ayon kay Ara, wala naman daw kaso ang pagbabalik niya sa Viva dahil wala na siyang kontrata sa kanyang dating manager.

"Nagka-contract ako before, kasi 10 years na din kaming walang contract, more of verbal na lang. Kasi nga sobrang tagal namin, parang pamilya na, hindi na yung [may] kontrata.

"So pagbabalik after 16 years I'm back here sa Viva."

Career move. Sa ilalim ng management ni Dondon, nagkamit si Ara ng ilang Best Actress awards, tulad na lamang sa kanyang pelikula na Huling Birhen sa Lupa.

Naging mahirap para kay Ara ang desisyon na bumalik sa Viva sapagkat 16 years na siyang hawak ng kanyang dating manager. Dagdag pa rito ang matagal na nilang hindi paguusap.

"Mahirap. Hindi pa kami nagusap ng personal, but I texted him."

Ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes ay under din ng Viva. Kaya naman sa bawat pagsama niya sa kapatid niya, di maiwasan tanungin siya kung kailan siya muling babalik dito.

"Kasi lagi ko sila nakikita pag nag-meeting kami, pag sinasamahan ko si Cristine.

"Parang, 'hello, oh kelan ka gagawa uli sa amin?' So parang nag-isip-isip ako, parang na-miss ko sila, di ba kung baga dito ako nag-start," kuwento ng aktres.

Kinuwento rin ni Boss Vic na matagal din bago niya napapayag si Ara na bumalik sa Viva kung saan siya nagsimula.

"Parang alangan siya, e," banggit ni Boss Vic.

"She's been with Dondon Monteverde for 14 or 15 years. Napaka-loyal niyang tao so talagang nahirapan siya."

Pero matapos ang mahabang usapan ay napapayag na din niya si Ara na pumirma ng 5-year contract under ng Viva Entertainment.