Kabilang na rin ang Be Bench female winner na si Regine Angeles sa mga artistang tumawid ng TV5 mula sa kanilang home studio para magtrabaho.
Homegrown talent ng ABS-CBN si Regine mula nang manalo siya sa model search ng Bench, kasama si Carlo Guevarra. Nauna nga lang lumipat ng GMA-7 si Carlo, na naging Carl Guevara na ang screen name.
Kasama si Regine sa cast ng Iskul Bukol ng TV5, na kinabibilangan din nina Keempee de Leon, Sam YG, at sina Alwyn Uytingco at Erika Padilla na parehong nagsimula sa Kapamilya network.
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine, sinabi niyang freelancer na siya mula nang matapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN.
Ang manager niya ngayon ay si Manny Valera.
Wala pa raw siyang pinipirmahang kontrata sa TV5 kaya malaya siyang gumawa ng iba pang projects sa ABS-CBN o sa GMA-7 kung may offer ang mga ito sa kanya.
BIG STAR. May nakahandang paliwanag si Regine kung bakit hindi siya nabigyan ng chance na maging big star sa ABS-CBN gayong sunud-sunod na ang projects niya.
"Hindi naman lahat ng artista, dumadaan sa gano'n," sabi niya.
"Like si Erich [Gonzales], ang tagal bago... Ilang taon muna ang pinaghintay niya mula nang nanalo siya sa Star Circle Quest. Etong mga nakaraang taon lang siya nabigyan ng break.
"Hindi naman ako gano'n. Hindi naman ako matampuhin.
"Like ako naman, noong una naman, nabibigyan nila ako ng atensiyon. At hindi naman ako maarte sa project, as long as may trabaho ako.
"Yun lang naman ang gusto ko."
Ikinagulat ni Regine ang assessment ng ilan na kaya hindi raw nagkainteres ang Kapamilya Network na bigyan siya ng build-up contract dahil sa hindi raw niya pagpapa-sexy at pagtanggap ng kissing scenes at love scenes.
"No, that's not true," tanggi ni Regine.
"Dyusko, kung anu-ano ang pinaggagawa ko sa ano... Kung napanood n'yo yung Tayong Dalawa, nagpapahalik ako kay Baron [Geisler], kay Coco Martin.




0

