Carl Guevara observed market porters to prepare for his role in Blusang Itim

Rose Garcia
Wednesday, May 11, 2011 @ 03:20PM  |  4145 views

 

Hunky actor Carl Guevara reprises the role of the late Joel Alano in the TV remake of the 1986 film Blusang Itim.

 

"Yung role ko nga raw rito, medyo bad boy na handang makipagpatayan maligtas lang si Jessa [Kylie Padilla]. Maraming twists sa ngayon," he says.

Photo By: Noel Orsal













Bago para kay Carl Guevara ang role na ginagampanan niya sa upcoming afternoon soap ng GMA-7, ang Blusang Itim

May pagka-bad boy raw ang role niya rito bilang isa sa leading men ni Kylie Padilla.

"Yung role ko nga raw rito, medyo bad boy na handang makipagpatayan maligtas lang si Jessa [Kylie]. Maraming twists sa ngayon," pahayag ni Carl sa presscon ng Blusang Itim noong Lunes, May 9, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Unang ginampanan ng yumaong aktor na si Joel Alano sa 1986 movie ang role ngayon ni Carl.

Ayon sa model turned actor, nag-audition siya for the role. At hangga't hindi sinasabing siya na ang napili ay hindi siya naging kampante.

"Actually, tatlong beses akong pinabalik dito," banggit ni Carl.

"Una, marami kami. Hanggang sa ma-trim down na dalawa na lang kami. 

"Masaya lang ako kasi we already had out workshop. And up to now, nagwo-workshop pa rin ako kay Direk Gina Alajar kaya marami pa akong natutunan."

Sinunod din daw ni Carl ang naging advice sa kanya ni Direk Gina na gawin niya para ma-inspire sa role na ginagampanan niya.

Kuwento ni Carl, "Sabi sa akin ni Miss Gina, pumunta raw ako sa isang palengke. Tapos, tumingin ako ng isang teenager na nagtatrabaho ro'n.

"Ang role ko rin kasi dito, kargador sa palengke.

"Ginawa ko naman. Nagpunta ako sa palengke ng Kamuning.

"Naghintay-hintay lang ako habang nasa loob ako ng kotse. Inaral ko rin ang galaw nila [mga kargador].

"Dalawang araw kaya akong nagpunta!"

FROM JENNICA TO KYLIE. First time na magkakatrabaho at makakapareha ni Carl sa isang proyekto si Kylie. Ano ang naging reaction niya?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name