Enchong Dee answers rumor he is courting Mara Clara star Julia Montes

Melba Llanera
Thursday, May 12, 2011 @ 10:50AM  |  244 views

 

 

"Sa palagay ko, masyado pang maaga at bata pa siya. Julia is 16, I'm 21. Basta right now, we're friends. Hindi ko naman ide-deny na lumalabas kami, but not just [by] ourselves," says Enchong Dee about Julia Montes.

Photo By: Noel Orsal













Naging palaisipan ang identity ng showbiz girl na sinasabi ni Enchong Dee na kanyang nililigawan ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Kahit anong pilit kay Enchong na magbigay ng kahit kaunting clue kung sino nga ba ang tinutukoy niya, laging maingat ang young actor sa katauhan ng sinasabi niyang nagpapatibok sa puso niya ngayon.

Nitong mga nakalipas na araw ay sumulpot ang pangalan ng Mara Clara star na si Julia Montes, na siya raw dinidiskartehan ng young actor.

Sinundan pa ito ng balita na madalas raw nakikitang lumalabas ang dalawa kasama ang mga kaibigan nila at dating kasama sa programang Shoutout.

"Hayaan na lang muna natin yung mga ganung issues," sabi ni Enchong nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

"Sa palagay ko, masyado pang maaga, at bata pa siya. Julia is 16, I'm 21.

"Basta right now, we're friends. Hindi ko naman ide-deny na lumalabas kami, but not just [by] ourselves." 

Patuloy niya, "Mabait siya. Sabi ko nga, bibihira ang mga artistang tulad niya na hindi pa nakakain ng [sistema] ng showbiz.

"So, I'm happy na mayroon akong kaibigan na ganun."

Sa tanong ng PEP kung hihintayin ba niya ang right age na puwede nang ligawan at makipag-boyfriend si Julia, walang linaw ang sagot sa amin ni Enchong.

"Tingnan natin. Mahirap kasing magsalita ng tapos, e," aniya.

STAR MAGIC TOUR. Isa si Enchong sa mga artistang nakasama sa Star Magic Tour sa U.S. Hindi lang nakapag-bond si Enchong sa mga kapwa niya taga-Star Magic talents kundi nakasama rin niya ang kanyang mga lolo at lola.

"Sa Star Magic Tour, ang dami-dami pala nating mga Kapamilya na sabik na sabik na makita ang mga iniidolo nila. 

"Tapos, ang daming regalo! Maraming-maraming salamat sa mga nagbigay ng regalo sa akin at sa mga nanood.

"Sabi ko nga, sobrang suwerte ko na nakasama ako dun. Kasi yung mga nakasama dun, sobrang nire-request ng mga TFC subscribers natin, at makikita mo talaga kung gaano nila ina-adore yung mga Kapamilya stars. 

1  2  3  Next »

Related Articles

26 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name