[x]

At the block screening of In The Name of Love, guess who accompanied female lead Angel Locsin? Yup, Phil Younghusband, whose very first exchange with Angel Locsin happened on the micro-blogging site Twitter.

Photo: Sany Chua

Sa premiere night ng pelikulang In the Name of Love, kasamang dumating ni Angel Locsin sa venue ang kanyang dalawang leading men na sina Aga Muhlach at Jake Cuenca.

Pero sa block screening ng pelikula na naganap kagabi, May 11, sa The Podium, dumating ang Kapamilya actress kasama ang isa sa sikat na player ng Team Azkals, si Phil Younghusband.

Matatandaan na kailan lamang ay inamin ng sikat na football player na "exclusively dating" na sila ni Angel. (CLICK HERE to read related article).

Ito ay matapos matuloy ang kanilang date, na unang naisa-publiko noong February 10 sa Twitter. (CLICK HERE to read related article.)

Sa nasabing event, hindi nakaiwas ang dalawa sa pang-uusisa ng press.

Ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon?

Ang sagot ni Phil, "Tanungin mo na lang si Angel."

Hindi niya sinagot nang diretsahan ang tanong pero ganito ang kanyang sinabi, "I'm always happy being with Angel."

Masaya rin daw siya sa kung ano man ang meron sila ni Angel.

At muli, in Tagalog, sinabi nitong, "Basta masaya ko, I'm happy being with Angel. I'm enjoying her company, masaya siyang kausap."

FIRST TAGALOG FILM HE WATCHED. Dumako ang topic sa movie, kung saan umani ng papuri ang mga stars mula kay Phil.

"Magaling si Angel, magaling si Aga, magaling si Jake Cuenca, 'tapos sobrang maganda yung pelikula," ang paglalarawan nito.

Pag-amin pa ni Phil, "Ito yung first Tagalog movie na napanood ko..."

And how was it?