"Mahirap siya. It requires a lot of action and takbuhan. This one is more action, drama, and comedy. So, I'm excited kasi hindi siya 'yong typical na rom-com [romantic-comedy film]," says Piolo Pascual about his upcoming movie with Angelica Panganiban.

Photo: Nerisa Almo

Nagbago ng bahagya ang hitsura ng aktor na si Piolo Pascual.

Mula sa clean look, nagpahaba siya ng balbas at bigote para sa kanyang susunod na pelikula.

"Siguro para lang maiba from the last gig that I did, I grew my hair," sabi ni Piolo sa media event ng kanyang iniendorsong hair product na Clear, kaninang tanghali, Mayo 12, sa Midas Hotel, Roxas Boulevard, Pasay City.

Sabi pa ng actor, "Actually, pinahaba pa ito for a time. We did some test.

"They wanted it longer, they wanted it close, so may compromise. It's kinda hard kasi it's long, e."

Kailangan din daw ang bagong hitsura niya ngayon para mas mukhang "tough" ang kanyang dating sa pelikula.

"Mahirap siya. It requires a lot of action and takbuhan," paglalarawan ni Piolo sa pelikula.

"This one is more action, drama, and comedy.

"So, I'm excited kasi hindi siya 'yong typical na rom-com [romantic-comedy film]."

Bukod sa pagiging action-packed, susubukan din ni Piolo na magpatawa sa pelikula, na aminado siyang mahirap gawin.

Biro pa nga ni Piolo, "I'm still uncomfortable because mas magaling akong mag-comedy off-cam.

"Kapag on cam I get struck out. With Angel pa, e, napaka-natural sa kanya ang mag-comedy.

"So, I'm still uncomfortable. It's hard."

Gayunman, natutuwa pa rin si Piolo para sa pelikula dahil makakasama niya rito ang kapwa Star Magic talent na si Angelica Panganiban.

Sabi ni Piolo, "I'm excited because I've waited more than two years for this project.