"We love each other so much. Pero ngayon, gusto focus ang trabaho ko ng showbiz. New experience sa akin," replied Daniel Matsunaga when asked if he will propose to Heart Evangelista when they visit Brazil.

Photo: Aldrian Poe

Larawan ng kaligayahan si Daniel Matsunaga dahil kabilang na siya sa stable of artists ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Pumirma na siya ng movie contract sa naturang film outfit, kasabay ang co-artists niya sa Mercator Talent Agency na sina Fabio Ide, Ervic Vijandre, Ian Batherson, at JC Tiuseco. (CLICK HERE to read related story.)

Naganap ang contract signing sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, kagabi, May 12.

"Sobrang masaya ako. Bagong opportunity. Sobrang excited. It's a very, very new thing in my life.

"Second time na po. Kasi I did D' Survivors the movie at kasama ko si Fabio...mga artista ni Jonas [Gaffud, his manager].

"Different experience in my life. Gusto ko lahat. I'll do my best!" pahayag ni Daniel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang contract signing at presscon.

Payag ba siyang gumawa ng movie kasama ang girlfriend na si Heart Evangelista?

"Of course, of course! That's one of our dreams—to do a movie together.

"Even my family, my mom...sobrang excited niya.

"After I told her that I have this good opportunity coming, she was very, very happy!" kuwento ng Brazilian-Japanese actor-model.

TRIP TO BRAZIL. Pagdating naman sa shows niya sa GMA-7, wala pang definite na masabi si Daniel dahil nga may plano sila ni Heart na pumunta sa Brazil.

"Siguro, pagtapos Brazil, when we come back here," sabi niya.

Kailan ang punta nila ni Heart sa Brazil?

"It will depend on her schedules, kasi sobrang busy siya [sa] Temptation Island.