PEP EXCLUSIVE: Arnell Ignacio denies allegation that his Porsche is a "hot car"

Jojo Gabinete
Friday, May 13, 2011 @ 08:54PM  |  28226 views

 

"Nag-iimbento sila ng kuwento. Niyurakan nila ang pagkatao ko. Huwag nilang ilihis ang isyu. Simpleng kaso ng pangongotong ang nangyari. Pinaghirapan ko na bilhin ang kotse, napag-tripan nila ako. Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko," says Arnell Ignacio about the allegation of Atty. Carlos Pormento that his Porsche is a "hot car." Pormento is the legal counsel of the three patrol officers sued by Ignacio for "grave misconduct, robbery, and intimidation."

Photo By: Jojo Gabinete













Sinagot ni Arnell Ignacio ang akusasyon ni Atty. Carlos Pormento na "hot car" diumano ang kanyang luxury car na Porsche.

Si Atty. Pormento ang abugado ng tatlong pulis na kinasuhan ni Arnell ng grave misconduct, robbery, at intimidation. (CLICK HERE to read related story,)

Ayon kay Atty. Pormento, walang certificate of registration ng kotse ang dokumento na hawak ni Arnell.

May duda rin daw siya na posibleng sampung taon nang walang plate number ang Porsche ng komedyante dahil ini-release noong 2007 ang sasakyan, pero 1998 pa raw ito nakarehistro. 

Sa panayam kay Atty. Pormento ng ABS-CBN News, sinabi nito na walang mga papeles na dala si Arnel nang hulihin ito ng kanyang mga kliyente.

Dagdag niya, nang lumabas ang verification, pilipit umano ang mga dokumento dahil hindi ito tumutugma sa sasakyan.

Sinabi ng abugado ng mga akusado na may hinala siya na nagdemanda si Arnell para mapagtakpan daw ang anomalya sa kanyang sasakyan.

NOT A HOT CAR. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnell kaninang hapon, May 13, pinabulaanan nito ang mga bintang ni Atty. Pormento at ng mga akusado.

"Kumpleto ang papeles ng kotse ko," diin niya.

"Naka-finance ang kotse ko at hindi maaaprubahan ng bangko ang aking car loan kung may problema.

"Huwag nila akong pagbintangan dahil makapal ang mga dokumento na hawak ko.

"Dumating sa Pilipinas ang sasakyan noong 1998 at 2006 nang bilhin ko.

"Hindi ako ang original owner, pero dinala ito sa akin ni Miguelito Jose ng PGA.

"Mahilig ako sa kotse kaya binili ko ang Porsche sa halagang P6.5 million, at ang Maybank ang nag-finance.

"Nag-release na rin ang LTO [Land Transportation Office] ng clearance na nagpapatunay na hindi hot car ang kotse ko.

1  2  3  Next »

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name