Nova Villa says Nita Negrita made her a dramatic actress; but says she still can't cry as well as Judy Ann Santos

Rommel R. Llanes
Saturday, May 14, 2011 @ 09:54AM  |  94 views

 

"Dito yata sa Channel 7, dito sa Nita Negrita, nag-umpisa ang pagiging dramatic actress ko. Nawala na yung pagiging comedian!" says Nova Villa about her role as Nita Negrita's Nanay Ima.

Photo By: Rowee Gutierrez













"Dito sa Nita Negrita, dito ako natutong umiyak," pagmamalaki ni Nova Villa tungkol sa afternoon drama series na kinabibilangan niya.

Ginagampanan ng beteranang komedyante ang papel na Nanay Ima, ang nag-alaga sa character ng bidang si Barbie Forteza.

Nakapalibot kay Nova ang ilang imbitadong press kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa interview nito.

Nakatiyempo kasing break muna ng beteranang komedyana sa mga eksena niya sa taping ng GMA-7 drama series, na tine-tape sa isang restaurant sa San Rafael, Bulacan, kahapon, May 13.

Ipinagmalaki ni Nova na napapasabak siya sa drama sa series, kahit pa aniya, "Hindi ako dramatic actress. Hindi mo ako basta mapapaiyak.

"Matigas ang puso ko, e. Sa mga inabot ko sa buhay ko?

"Comedian ako, magpapatawa ako kahit na anong hirap. Pero hindi iyak.

"Pero dito sa Nita Negrita, dito ako natutong umiyak!"

Bumibilang na halos ng 47 taon si Nova Villa sa showbiz.

Nagsimula siya noong 1964, nang madiskubre siya ng Action King na si Fernando Poe Jr. sa bakuran ng Premiere Productions.

Teenager na nagkagusto sa character ni FPJ ang una niyang naging role sa classic FPJ movie na Daniel Barrion.

Pagkatapos ng pelikulang iyon ay nagkaroon siya ng maraming proyekto sa parehong pelikula at telebisyon, pero bihirang-bihira na ang mga eksena niya ay sobrang drama.

"Dito yata sa Channel 7, dito sa Nita Negrita, nag-umpisa ang pagiging dramatic actress ko. Nawala na yung pagiging comedian!" sabi pa ni Nova.

Simpleng-simple lang naman daw ang mga dialogue,  pati na rin ang treatment na gustong ipagawa sa kanya ni direktor Gil Tejada.

Nagulat raw siya't habang nagbibitaw siya ng linya ay bigla na lang umagos ang kanyang luha.

1  2  3  Next »

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name