Kagabi ang pang limang gabi ng celebration ng Fashion Week.
At sa gabing iyon, ang isa sa mga pinaka-inabangan ay ang fashion show ng Wrangler, kung saan kabilang ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga.
Talaga namang hindi mapigilan ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan, na mapatili nang makitang rumarampa si Daniel lalo na sa kaniyang all-rocker attire.
Ito ang ikalawang beses na rumampa si Daniel para sa Fashion Week. Ilang araw bago ang pagrampa niya ay pumirma siya ng kontrata sa Wrangler para maging endorser nito.
Dagdag nga niya, "This is my first brand as endorser."
Working with Heart. Bukod sa pagiging first-time brand endorser niya, noon lamang Mayo 12, Huwebes, ay ganap na naging miyembro si Daniel ng Regal Entertainment.
Kasama niya ang ilan pang Kapuso stars, na sila C Tiuseco, Ervic Vijandre, Ian Batherson, at Fabio Ide, na itinanghal bilang "Regal's Desirable Men." (CLICK HERE for related article).
At ngayong under na siya ng Regal, may nakaplano na bang pelikula para sa kanila ng kanyang girlfriend na si Heart Evangelista?
"Siguro meron, peroI can't say it right now kasi that's a maybe."
At kung sakali man na gagawa nga sila, iba ang gustong tema ni Daniel. Kung ang tipo ni Heart ay drama, gusto raw ni Daniel na ma-aksyon.
"I would love, yeah, drama. I would like to do romantic-action na lang. Epic movies, I love war movies!"
Flying to Brazil. Bagaman gusto nilang gumawa ng pelikula na magkasama, abala pa silang pareho.
Si Heart kasi ay kasalukuyang nagsu-shooting para sa remake ng classic 80's Pinoy film na Temptation Island.
Dahil sa kanilang busy schedule, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung matutuloy pa ang matagal na nilang planong byahe sa Brazil?
"We always dreamed about it, and we always talk about it," sagot ni Daniel.
Sa Brazil lumaki si Daniel at doon din kasalukuyang nakatira ang kanyang buong pamilya.
Sa tantiya ni Daniel, kapag natuloy ang biyahe, maaaring dalawa hanggang tatlong linggo sila mawawala ni Heart sa bansa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 Ayayay124
10 dramaprincess
9 Neverhearty88
8 terz20011
7 x_impaktita_x
6 napazu7
5 diwani
4 x_impaktita_x
3 bus_stop
2 benggaling
1 didge_ridoo