Paliwanag ni Angeli Nicole kung bakit conscious siya sa ratings: "Kasi po, kapag po mababa ang rating, parang feeling ko, kulang ang arte ko. Ganoon po. Na kailangan ko pa pong dagdagan."


Photo: Noel Orsal

Masuwerte ang Kapuso child actress na si Angeli Nicole dahil consistent na mataas ang rating ng kanyang pinagbibidahang early primetime series sa GMA-7, ang Magic Palayok.

"Saka, sana po, mag-extend pa po kami," sambit pa ni Angeli nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magic Palayok sa New Manila, Quezon City, last Friday, May 13.

Natatawa si Angeli nang sabihin niya ito dahil ang totoo, nag-extend na ang Magic Palayok mula sa original plan na one season lang sana nila.

Pero sabi niya, "Sana lang po mag-extend pa kasi mas lalo pa pong gumaganda ang story."

Aminado si Angeli na rating-conscious na siya kahit bata pa lang siya.

"Kasi po, kapag po mababa ang rating, parang feeling ko, kulang ang arte ko. Ganoon po. Na kailangan ko pa pong dagdagan," paliwanag niya.

Hindi ba siya nahihirapan na madalas ay umiiyak siya sa mga eksena niya sa Magic Palayok?

"Nahihirapan din po. Pero after naman po, tumatawa na lang po ako," natawa rin niyang sabi.

Ang pera raw na kinikita ni Angeli ay iniipon niya.

Sa katunyanan, malapit na raw siyang makabili ng sasakyan.

Sa ngayon kasi, kapag nagpupunta siya sa taping ay sumasakay daw sila ng taxi.

Nakikilala na rin daw siya kahit ng mga taxi driver na nasasakyan nila.

Kuwento nga niya, "Kapag po sumasakay kami ng taxi, 'Di ba, ikaw si Cookie? Pinapanood ka ng mga anak ko.'

"Siyempre po, masaya po ako kasi ganoon na po pala kasikat ang Magic Palayok."

Nararamdaman ba niyang sikat na siya ngayon bilang child star?