news

Charice clarifies issue about her "Before It Explodes" single: "Ako yung kauna-unahang nag-release, so song ko ito."

by Rommel Gonzales posted on May 15, 2011  STATS: 30890 Views | 56 Comments

 

Aside from her international recording career, Pinay singer Charice is also busy shooting her first Hollywood film, Here Comes The Boom. "And ang role ko, yeah, Filipino. My name is Maria," says Charice, who appears in the movie starring Kevin James and Salma Hayek.

Photo By: Sany Chua

Matapos ang global digital release ng single ni Charice na "Before It Explodes," ilang fans ng British singer na si Alexandra Burke ang nag-react.

Nauna raw kasing i-record ni Alexandra ang naturang kanta na nilikha ng Grammy award-winning R&B artist na si Bruno Mars.

Ngunit nilinaw ni Charice ang tungkol sa naturang single sa panayam sa kanya ng Startalk TX na ipinalabas kahapon, May 14.

"Gusto ko lang i-clear, actually 'no, kasi ang daming lumabas na issue about it.

"Na kasi, merong isang artist na nag-demo nung song—si Alexandra [Burke].

"So, gusto ko lang i-clear na hindi niya ni-release 'yan, hindi niya ni-release, or si Bruno.

"Ako yung kauna-unahang nag-release, so song ko ito," pahayag ni Charice mula sa Las Vegas, sa isang taped interview ng Startalk TX segment host na si Enzo Pineda.

Ayaw na raw patulan ni Charice ang kanyang mga kritiko. Instead ay naka-focus daw siya ngayon sa shooting ng kanyang kauna-unahang Hollywood film.

"Ayun, nagsu-shooting pa rin ako ng movie. Movie with Kevin James and Salma Hayek, and it's called Here Comes The Boom.

"Ilalabas siya next year, pero nagsu-shooting pa rin kami ngayon.

"And ang role ko, yeah, Filipino. My name is Maria."

Abala rin si Charice sa promo ng song which she co-produced with Nick Jonas of the Jonas Brothers.

"Actually yung 'One Day' is a song para sa commercial ko na...na theme song for that, and Nick Jonas wrote the song 'One Day.'"

1  

more on this story

Show/Hide Comments

56 Comments

  • 56  strawberry22

    05/18/2011 | 02:31 AM
    yun mga PILIT BINABABA si charice na halos lahat pilipino din! gaya nila OGIE DIAZ! MAHIYA naman kayo kasi ano na ba ang napatunayan nyo sa international scene????? sa tagumpay ni charice lahat ng pinoy damay sa pagpugay sa kanya.... kaya dapat maging SUPPORTIVE na lang at wag na maiinggit
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  rustt_9ten

    05/18/2011 | 12:10 AM
    Nikkoniko and rambo - Nonsense!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  davaowenia_ia

    05/17/2011 | 12:13 PM
    ang dami talagang mga crabs, inggitero't inggitera too bad cuz they r also pinoys, nakakahiya ang mga taong katulad nyo bakit d nlang kau maging happy para sa isang taong unti unting nakakamit ang mga pangarap sa buhay through her talent at lalong lalo na na nagdadala cya ng karangalan sa pinas and she inspired and help a lot of pinoys e kau kaya ano na ang mga nagawa nyong maganda para sa pinas? I am proud of u charice keep it up and stay ur foot on the ground stay as humble as u r now, don't mind those nega people just continue doing what u r doing and make that nega people eat a dust, kasi magaling ka talaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  samurai_X

    05/16/2011 | 10:26 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  ramb0

    05/16/2011 | 03:13 PM
    Hintayin nyo munang pumasok sa top 10 singles yung song bago ipagmalaki. Baka mamaya nyan flop naman tapos sabihin " Ay! hindi akin yan. Pinakanta lang sa kin" Hahjahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  nikkonikko80

    05/16/2011 | 01:12 PM
    ung mga nagtatanggol d2 ky charice..mga kapamilya nya lng nman!!! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  2828cris

    05/16/2011 | 11:12 AM
    Ang dming bitter na pmas0k d2,kgbi 15 c0mments lang,Iba tlga ang sikat na sikat laging pinupuna,kht an0ng svhin nio di ninyo mrrting ang nrting ni charice.GO CHARICE fly lang ng fly d0n't mind them...PR0UD AKO SAU.GOD bless u M0RE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  camcam123

    05/16/2011 | 09:14 AM
    40 paano makakapunta si TELITELI dito america eh wala namang VISA na maibigay sa kanya she was denied 10 times sa US embassy......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  teliteli

    05/16/2011 | 08:49 AM
    dubidu1992 apektado ka? LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  purepinoy0815

    05/16/2011 | 08:33 AM
    i do love charice but i don't think it's right to say it's his song. siya yang ang singer pero ang composer ay si bruno mars si bruno mars lang pwede magsabi na kanya yong song. kaya nga laging sinasabi ng mga singers kung sino gumawa ng kanta di ba? kasi para bigyan ng honor yong composer.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  akosimadam

    05/16/2011 | 08:27 AM
    yung mga nagki-criticize about accent were those who have not been to other places, hindi kasi maka-relate. you need to ajdust your twang in order to be understood. the composer himself declared that the song's for charice. so anong issue. and on who has the better version, si charice ba or si alexandra? - well, it's relative, and remember naglipana ang inggitero't inggitera sa mundo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  StocksAndBonds

    05/16/2011 | 07:59 AM
    ano ba talaga mga ate at kuya? kung walang accent si charice, sinasabing feeling westerner na, kung meron namang accent, binabatikos pa rin sa diction. damned if you do, damned if you don't. charice, sa dinami-dami ng ginagawa mo, huwag mo nang pag-abalahan ang mga namimintas sa iyo na karamihan ay mga kapwa pinoy pa mandin. tsk. tsk. tsk. isa pa, binigay ni bruno mars yung kantang yun sa kanya, kaya may k siyang umangkin dahil yung composer himself gave the rights to nobody else but her, hindi lang pang demo but to releas it. meaning, bruno saw potential in her to make the song a hit at hindi nakita ni bruno yun kay alexandra!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  dubidu1992

    05/16/2011 | 07:02 AM
    iyong nagpapatugtog ng Alexandra Burke sa radyo illegal iyan not officially released ibig sabihin walang authorization na ibinigay ang record label na ipatutog iyan sa radio, kaya lang sa pinas kahit mayroon mga laws hindi sinusunod ng iba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  muchlikefallingme

    05/16/2011 | 07:00 AM
    Yung Sa nag sasabing NASA track list ni Bruno Mars ang before you explodes at isang echoserang frog.. Dahil wala iyun Sa album nya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  pepticulcer

    05/16/2011 | 06:55 AM
    Subukan niyo lang intindihin ang English na ginagamitan ng Irish, Kiwi or New Zealander, or heavy Texan accent. Kahit na English ang kinalakihan mo, mahihirapan kang umintindi sa accent na di mo nakasanayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  pepticulcer

    05/16/2011 | 06:51 AM
    The issue about accents brings to mind Lea Salonga. When she was with Miss Saigon, she adapted a British accent which she quickly dropped in favor of an American accent when she went on to Broadway. If one wants to be understood, one needs to adapt to the local accent. People who have lived in different countries know this. Get a Filipino to talk English in a Filipino accent and other nationalities would have difficulty in understanding him or her. In like manner, Americans from the east or west coast also struggle with understanding Americans from the midwest.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  dubidu1992

    05/16/2011 | 06:35 AM
    teliteli ikaw kaya ang magpunta dito sa u.s. mas grabe kapa siguro sa kaartehan more than a year na si charice sa u.s. puro puti and katrabaho at kausap syempre kahit papano mapipickup niya ang accent nila punta ka dito sa states para malaman mo at matuto ka ng kung papano mamuhay dito hindi iyan puro ka pintas bakit ano ba ang mga pinasusuot mo tingin mo bagay rin sa iyo bago ka mamintas tingnan mo muna ang sarili mo ano na ba ang na achieved mo higit pa ba sa naachieved na ni charice
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  dubidu1992

    05/16/2011 | 06:05 AM
    hindi ibibigay ni bruno mars ang kanta ke charice kung narelease na niya demo lang iyong ke bruno at alexandra ang hirap umintinda ng iba at saka sumasagot lang siya sa tanong ng interviewer puro kayo pintas kayo na lang kaya ang kumanta at pumunta sa u.s. palitan ninyo si charice kala ninyo madali lang ang ginagawa ni charice it takes hard work and talents anong ibinibigay sa kanya ng ibang kapwa pilipino puro pintas at gusto siyang ibagsag haters get a life
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  dubidu1992

    05/16/2011 | 05:53 AM
    mga inggit lang kayo lahat ng mga againts ke charice kase malayo na ang narating niya para sa inyo wala ng ginawang tama si charice siya lang nagiisang pilipina na gumagawa ng pangalan sa buong mundo puro pa kayo pintas tutuo naman siya ang unang nagrelease ng kantang Before It Explodes kaya sa kanya iyon kasi sinasabi ng mga haters hindi sa kanya e kanino pa siya ang nagiisang nagrelease noon haters tanggapin na ninyo charice is the best kalamo kung sino kayong magagaling
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  teliteli

    05/16/2011 | 05:40 AM
    hindi porke ikaw ang unang nag release ang ibig sabihin non eh "ITS YOUR SONG"...i like u before nung bata ka pa pero nung nagsimula ka nang magpunta sa amerika eh trying hard ka na magpaka western. pag andun ka ok lang cguro pero pag andito ka sa pinas hwag ka na magpaka trying hard magkaron ng accent at magpaka pilipino ka. tignan mo ang mga sinusuot mo kung bagay ba sa yo o hindi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About