Katrina Halili works with women's group Gabriela to help counsel women victims of sex videos

Rommel R. Llanes
Thursday, May 19, 2011 @ 09:02AM  |  9246 views

 

"Iba po talaga siyempre yung may malalapitan ka, may masasabihan ka. Kasi, di ba, iba pa rin yung nakaka-relate sa iyo yung sinasabihan mo? Paano ka naman makakapagsalita sa isang taong hindi ka naman naiintindihan dahil hindi naman nila na-experience yung na-experience mo? Ano ang maise-share mo? So, kawawa naman yung babae,"says  Katrina Halili about her current work with the women's group Gabriela.

Photo By: Enie Reyes













Sa lahat daw ng nangyaring kontrobersya sa buhay ni Katrina Halili, wala raw ni isa roon ang pinagsisisihan niya.

"Basta lahat po ng nangyari sa akin, wala po akong pinagsisisihan kahit ano pa yun. Kasi marami po tayong natututunan sa experience," sabi pa ng dalagang nasangkot sa kontrobersyal na "Hayden Kho Hidden Cam Scandals."

Isang masayahin at mapagbirong Katrina ang nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press sa pocket presscon na inihandog ng GMA-7 para sa mga stars ng Munting Heredera, sa executive lounge ng GMA Building nung Martes, May 17.

Dagdag pa ni Katrina, mas naging matibay na siya ngayon dahil nga sa mga kontrobersya't pagsubok na kinasangkutan niya.

Dahan-dahan nga lang daw muna ang ginagawa niyang pagbangon para hindi na muling magkamali.

May bagong pananaw na rin si Katrina sa pagharap sa mga mahihirap na pagsubok sa kanya.

"Hindi ka kasi puwedeng lumampas, e. Lahat tayo may kailangang pagdaanan, di ba?

"So, pag umayaw ka ngayon, sa pagtanda mo, babalikan mo pa rin 'yan. Babalikan at babalikan mo 'yan."

Sabi pa ni Katrina, pagharap sa kung anumang naging resulta ng ginawa mo at pagtanggap sa pagkakamali ang susi para magkaroon ng katiwasayan at tiwala sa sarili.

Ito rin daw ang magiging paraan upang muling makabangon ka mula sa isang matinding pagsubok.

Nagbigay ng halimbawa si Katrina, "Kunyari, kailangan ko pong lumabas ng stage. Di ba, nasa likod ako? O, sige, meron akong isyu.

"Kailangan kong lumabas, mapapahiya talaga ako. Siyempre mahirap talagang lumabas, kasi nakakahiya talaga iyon."

Ang paglabas ng sex video nila ni Hayden Kho ang isyung tinutukoy ni Katrina.

"Kailangan ko lang tanggapin sa sarili ko na ginawa ko yun, kasalanan ko yun. So ganun talaga.

"Yun ang 'karmic,' di ba? May cause and effect siya.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

22 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name