Is Dennis Trillo's split from Jennylyn Mercado his most painful breakup? He answers: "Hindi ko alam... Hindi ko lang in-expect na ganun ka-public, na big deal ang isang pangyayari na normal din namang nangyayari sa mga ordinaryong tao... Nagulat lang ako kung bakit kailangan pang lumaki ang mga ganung bagay."

 

 

Photo: Noel Orsal

Nakiusap si Dennis Trillo na kung maari'y tapusin na ang isyung breakup nila ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa story conference ng bagong afternoon soap ng GMA 7 na Sentensyada kahapon, May 20, tipid ang mga sagot ng aktor pagdating sa isyung hiwalayan nila ni Jennylyn.

"Wala na. Hindi na kailangan.

"Para matapos na, huwag nang pag-usapan.

"Tama na. Matagal na.

"Sa totoo lang, ayoko nang pag-usapan kasi tapos na, e," sabi ni Dennis, na halatang asiwa kapag tungkol na sa breakup nila ni Jennylyn ang tinatanong.

Sinundan namin ng tanong tungkol sa tell-all interview ni Jennylyn sa June 2011 issue ng YES! magazine, lalo na sa isyung bugbugan. (CLICK HERE to read related story.)

Nung na-interview namin si Dennis ay hindi pa namin nabasa ang kabuuan ng interview ng YES! kay Jennylyn.

"Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin. Pero tapos na yun," pakli ni Dennis.

MOST PAINFUL BREAKUP. Sa nakaraang concert ni Jennylyn sa Zirkoh, inamin ng singer-actress na itong breakup nila ni Dennis ang pinakamasakit para sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Hiningan namin ng reaksiyon ang aktor kung ito rin ba ang pinakamasakit na breakup para sa kanya.

Matagal na nag-isip ang aktor bago ito nakasagot.

"Hindi ko alam," medyo nag-aalangan pa niyang sagot sa amin.

"Hindi ko lang in-expect na ganun ka-public, na big deal ang isang pangyayari na normal din namang nangyayari sa mga ordinaryong tao.