"Siyempre ang relasyon naman namin, hindi lang naman puro problema.
"Marami rin namang mga magandang nangyari, at siyempre hindi ko makakalimutan yung mga masasayang times namin," pahayag ni Dennis.
FOCUS ON WORK. Sa ngayon ay gusto na muna ng aktor na mag-focus sa kanyang pamilya, sa kanyang anak, at sa trabaho.
Lalo na't may bago siyang drama series na pagsasamahan nila nina Bianca King, Polo Ravales, at Alessandra de Rossi.
Ayaw raw muna niyang pumasok sa panibagong relasyon o kahit makipag-date man lang.
"Hindi muna siguro, medyo fresh pa yun," sabi ng actor.
"Ako, nag-e-enjoy lang at nagtatrabaho.
"Ngayon, sobrang dami kong ginagawa.
"Feeling ko, wala pa akong time para pumunta sa isang seryosong relasyon."
Itinanggi rin ni Dennis ang lumabas na isyung namataan siyang may ka-date na miyembro ng isang banda sa isang bar.
"Wala yun. Kung ano man yun, hindi date yun, siguro nagkita lang.
"Wala pa talaga akong nakakasama na lumabas," sabi niya.
BIRTHDAY GREETING. Bahagi na rin ng pag-move on ay binati nga raw ni Dennis si Jennylyn nang mag-celebrate ito ng kanyang kaarawan noong May 15.
Hindi raw siya sinagot ni Jennylyn, pero ang mahalaga ay nabati raw niya ito.
Noong nag-celebrate naman siya ng kanyang kaarawan noong nakaraang May 12, hindi raw niya maalalang binati siya ng dating kasintahan.
Ayon kay Dennis, "Hindi naman importante kung bumati o ano. Basta ako, importante, nakaalala, bumati.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
158 secretlylovejen
157 Aresha
156 kennethgodwin
155 nagpapakatotoolang
154 lanieguillen
153 gabriela414
152 kennethgodwin
151 mariankimfan1
150 mamang_559
149 topengga
148 topengga
147 caloycai
146 caloycai
145 gabriela414
144 dj72
143 gabriela414
142 dj72
141 nagpapakatotoolang
140 nagpapakatotoolang
139 gabriela414
more comments