Lolit Solis celebrates 64th birthday on Startalk; gives updates on her alagas

William R. Reyes
Sunday, May 22, 2011 @ 09:32AM  |  28561 views

Lolit Solis wants to throw a party in honor of the late talent manager Douglas Quijano. Problem is, his ashes are scattered among his former talents who can't seem to get together for the occasion.

"Tama nga yung desisyon ni Anjo [Yllana], 'Can we just put together all the ashes and let's bury it na lang?'"Lolit says. "Si Anjo ang nag-suggest, kasi wala kaming madalaw na... Douglas and his ashes were scattered among [all] his alaga!  E, ewan ko kung sino... who decided [on it], baka naman desisyon [din] ni Douglas 'yon?"

 

 

Photo By: Noel Orsal













Special edition ng showbiz-oriented talk show na Startalk, sa GMA-7, ang isinahimpapawid kahapon, May 21, dahil ipinagdiwang dito ang kaarawan ng isa sa mga regular host ng programa, si "Manay" Lolit Solis.

Last Thursday, May 19, ang totoong birthday ni Manay Lolit. She turned 64 years old.

Sa selebrasyon ng kilalang talent manager ay namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ang isa sa mga alaga niyang aktor, si Paolo Contis, na bumati at sandaling tsumika; at pag-uwi ay bitbit na rin ang isang kahon ng regalong para sana sa birthday celebrator.  

"Naku, siya ang naka-harbatey ng regalo ni Ate Lolit, o!" banggit ng isang taga-produksiyon. (Ang "harbatey" ay kumuha o humarbat.)

Balewala naman ito sa manager ng aktor. Nang lapitan namin si Manay Lolit para batiin at kumustahin, nagkataong nag-uusap sila nina Paolo at isa pang aktor, si Dingdong Dantes.  

Ang susunod na bahagi ng programa ay ang interview ni Butch Francisco (co-host) kay Dingdong. 

Ang topic ay ang tungkol sa pag-atras ni Paolo sa Amaya, diumano, dahil ayaw nitong makatrabaho ang actress-girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, na bida sa isasahimpapawid na epicserye ng GMA-7.  

May naiulat na dahilang hindi tinanggap ni Paolo ang epicserye dahil nainip ito sa paghihintay na magsimula ang kanyang taping, matapos ang isa pang tinampukang teleserye.

Kaya nag-back out daw si Paolo sa advice na rin ng kayang manager.  

"Aminin mo na, na sasamahan mo sa Amerika si Lian [Paz, Paolo's girlfriend] dahil libre. Actually, yun naman ang dahilan talaga, e, di ba?" birong-totoo ni Lolit sa alaga niyang aktor.

"Anong sasabihin ko?" tanong naman ni Dingdong. "Mag-iimbento ako..."

"Eklay niya lang 'yon, anak, na mataba siya whatever," pambubuko pa ni Lolit kay Paolo, as told to Dingdong.

"Actually, ang rason niya talaga, libre papuntang Amerika..."

Birong suggestion pa ni Paolo kay Dingdong: "Sabihin mo na lang ano, nagkagalit tayo sandali, tapos okey na 'yon..." Sabay-ngiti.

Hindi nga siniseryoso nina Lolit at Paolo ang tungkol sa tatalakaying "issue." 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name