news

Lolit Solis celebrates 64th birthday on Startalk; gives updates on her alagas

by William R. Reyes posted on May 22, 2011  STATS: 28981 Views | 18 Comments

Lolit Solis wants to throw a party in honor of the late talent manager Douglas Quijano. Problem is, his ashes are scattered among his former talents who can't seem to get together for the occasion.

"Tama nga yung desisyon ni Anjo [Yllana], 'Can we just put together all the ashes and let's bury it na lang?'"Lolit says. "Si Anjo ang nag-suggest, kasi wala kaming madalaw na... Douglas and his ashes were scattered among [all] his alaga!  E, ewan ko kung sino... who decided [on it], baka naman desisyon [din] ni Douglas 'yon?"

 

 

Photo By: Noel Orsal

Special edition ng showbiz-oriented talk show na Startalk, sa GMA-7, ang isinahimpapawid kahapon, May 21, dahil ipinagdiwang dito ang kaarawan ng isa sa mga regular host ng programa, si "Manay" Lolit Solis.

Last Thursday, May 19, ang totoong birthday ni Manay Lolit. She turned 64 years old.

Sa selebrasyon ng kilalang talent manager ay namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ang isa sa mga alaga niyang aktor, si Paolo Contis, na bumati at sandaling tsumika; at pag-uwi ay bitbit na rin ang isang kahon ng regalong para sana sa birthday celebrator.  

"Naku, siya ang naka-harbatey ng regalo ni Ate Lolit, o!" banggit ng isang taga-produksiyon. (Ang "harbatey" ay kumuha o humarbat.)

Balewala naman ito sa manager ng aktor. Nang lapitan namin si Manay Lolit para batiin at kumustahin, nagkataong nag-uusap sila nina Paolo at isa pang aktor, si Dingdong Dantes.  

Ang susunod na bahagi ng programa ay ang interview ni Butch Francisco (co-host) kay Dingdong. 

Ang topic ay ang tungkol sa pag-atras ni Paolo sa Amaya, diumano, dahil ayaw nitong makatrabaho ang actress-girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, na bida sa isasahimpapawid na epicserye ng GMA-7.  

May naiulat na dahilang hindi tinanggap ni Paolo ang epicserye dahil nainip ito sa paghihintay na magsimula ang kanyang taping, matapos ang isa pang tinampukang teleserye.

Kaya nag-back out daw si Paolo sa advice na rin ng kayang manager.  

"Aminin mo na, na sasamahan mo sa Amerika si Lian [Paz, Paolo's girlfriend] dahil libre. Actually, yun naman ang dahilan talaga, e, di ba?" birong-totoo ni Lolit sa alaga niyang aktor.

"Anong sasabihin ko?" tanong naman ni Dingdong. "Mag-iimbento ako..."

"Eklay niya lang 'yon, anak, na mataba siya whatever," pambubuko pa ni Lolit kay Paolo, as told to Dingdong.

"Actually, ang rason niya talaga, libre papuntang Amerika..."

Birong suggestion pa ni Paolo kay Dingdong: "Sabihin mo na lang ano, nagkagalit tayo sandali, tapos okey na 'yon..." Sabay-ngiti.

Hindi nga siniseryoso nina Lolit at Paolo ang tungkol sa tatalakaying "issue." 

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  caloycai

    05/24/2011 | 03:01 AM
    i can say na mas ok naman siguro si cristy fermin kesa kay lolit,,at least si cristy pag nagtanong e sensible,at may sense syang maging host ng showbiz talk show,,e si lolit,,sus ginuo day!!!!wahahahahahh....ewan ko ba sa gma 7 hindi i reformat ang startalk at alisin ang mga host na iyan at ito pang si alysa,,na walang kwenta o silbi sa show,,,ewwww
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  caloycai

    05/24/2011 | 03:00 AM
    SORRY TO SAY,,shes not proffesional na talent manager,medyo nag lie low na lang sya now kase matanda na sya at matatalino na mga tao o mga stars,di na sya uubra,,.dapat nga wala yan sa any talkshow kase wala naman syang contribution e ,wala syang kwenta ika nga,,pang pagulo lang,,WE LOVE STARTALK,kaya lang parang nagiging masagwa o wala na ding saysay dahl sa mga hosts nito,si joey -di sya ganun ka sensible magtanong mas madami pa ang jokes nya,,si butch-utal utal,,puro pa tawa na cheap o corny naman mga jokes,,si lolit-lalo na ito,,,si ricky lo lang ang mas swak sa hostingo mas sensible,..i guess,,tama ang suggest ng madami,,alisin si lolit at ilagay si DINA BONNEVIES O POPS FERNADEZ jan,,bilang hosts,.para magka buhay ang show,.para kay lolit,WALA PO SA KAMAY NYO ANG PAGSIKAT NG MGA STARS NYO,NASA TAO IYAN,ANUMANG PILIT MO,KAYA TURUAN MO SILA PAANO MAGING MAAYOS O ROLE MODEL NA TAO PARA MAHALIN SILA NG TAO,HALOS NG MGA STARS NYA ,NASIRA ANG LIFE,GAYA NI GABBY CONCEPCION AT KATRINA HALILI,,HEHE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  MARKY2000

    05/23/2011 | 06:36 AM
    And what's update about Yasmien Kurdi?Di ba alaga nya din yun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  tili_2death

    05/22/2011 | 06:03 PM
    you can't teach old dogs new tricks
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  skittlesrainbow

    05/22/2011 | 03:45 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  skittlesrainbow

    05/22/2011 | 03:42 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Ben_10

    05/22/2011 | 03:30 PM
    HUH?sure kayo nag celebrate ng birthday? duh! at kelan pa nagkaruon ng birthdays ang mga ku-tong lupa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  botsing

    05/22/2011 | 12:47 PM
    ayyy na edit na ata ng writer to kasi tama ako pangatlo pag kakasulat nya at wife imbes na gf ni paolo c lian?hoy moderator pede ba delet nyo pag sorry ko sa writer nyo.bat kame di pwede mg delet ng comment namin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Darlings

    05/22/2011 | 12:34 PM
    64 years na pala si Lola pero hindi parin nagbabago. Pag-natsugi na ito, siguradong hindi ito mapupunta sa langit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • botsing

    05/22/2011 | 12:31 PM
    lolit kilan naba mag aartista si gabriel?sana sa gma 7 sya magkaron ng show kc gma pinoy t.v kame dito sa canada.im sure magaling sya umarte.nabasa ko non ikaw din daw mag ma manage sa kanya?sana e remake din ng gma 7 yong tinimbag ka ngunit kulang at si gabriel gaganap?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • botsing

    05/22/2011 | 12:27 PM
    ayy sorry kay william reyes pan apat din pala pagkakasulat pag basa ko kasi pangatlo.kya sorry tlaga buti binasa ko ulit tama ka pala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • indiahenretta

    05/22/2011 | 11:48 AM
    Hoy Lolit sana naman may pinag katandaan ka! Well another year, hopefully a year na walang kaaway or enemy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hiramukha

    05/22/2011 | 10:41 AM
    pareho sila ni Cristy Fermin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kemedu_222

    05/22/2011 | 10:40 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    05/22/2011 | 10:33 AM
    the Scam Queen gets to live for 64 years shame!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • botsing

    05/22/2011 | 10:26 AM
    william reyes pan apat pong anak si mariel.buti pako alam ko.happy birthday kay mariel at kay loloit na rin.si nora kaya dadalawin din ni boyet kasi birthday din nito.happy birthday din sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • paket

    05/22/2011 | 10:11 AM
    hay si manay lolit lagi nalang dinadaan sa biro ang paghingi ng datung..birong totoo...kafaaaal...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fatedtoloveyou25

    05/22/2011 | 09:59 AM
    hahaha..nakakatuwa tlga c lolit solis..mas gusto tlga ang pera kesa magparty..happy birthday...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About