Rosanna Roces talks about her dream role: To portray a man. "Gusto ko parang isang lalaki, alam mo yun?  Alam ko kung ano yung kaya ko e, pero ano yung surprise na ibibigay mo sa akin na kakaiba? So, kung lalaki ako, hirap ako kasi pag-aaralan ko naman yung physiology ng lalaki, mahirap. Pero yung mga bading madali lang, pero yung maging lalaki, mahirap, malaking challenge yun sa akin."

 

Photo: Nerisa Almo

Naging panauhin si Rosanna Roces sa weekly Celebrity Night ng National Press Club last Friday (May 20) sa tanggapan nito sa Intramuros, Manila, sa imbitasyon ng presidente nitong si Mr. Jerry Yap.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Osang, inusisa namin ang kanyang naramdaman nang tawagin ang kanyang pangalan bilang nanalong Best Supporting Actress para sa pelikulang Presa sa katatapos lang na 34th Urian Awards.

"Actually nanalo na ako sa Presa as Best Actress, pinanalo lahat sa Gawad Tanglaw. Ang nakakaano roon, hindi ko matanggap na si Anita Linda, hindi nabigyan ng award, mabibigat kasi ang mga kalaban para mapili ka e, Urian 'yan e, hindi mo maiimpluwensiyahan 'yan," panimula ni Osang.

"Ano, ecstatic yung feelings, kasi, yun yung trophy kong inuuwi na parating proud na proud yung mga bata," pahabol pa niya.

So after Presa, ano'ng susunod niyang project?

"Iyong kay Adolf Alix, yung Haru with Jacky Woo, drama ito. With Cherry Pie Picache and Bembol Roco, tapos may gagawin kami sa Japan with Jacky Woo uli. Then, isa kay John Reid, tapos with Adolf, then magla-line produce uli ako."

Inesplika pa ni Osang kung bakit sa indie films siya nalilinya ngayon.

"Andun kasi yung lalim talaga e. Wala ka nang iintindihin na producer na hinahabol ang box office return. Dito ang habol ay parangal."

Mas fulfilling ba yung indie? 

"Oo, sabi ko nga kay Goma (Richard Gomez), try mo mag-indie, kasi di ba for a while maraming nawalan ng project? E mga artists yun e, punung-puno na ng emotion ang mga 'yan, pero hindi nila nailalabas. Pero sa indie, maso-solve ka talaga," nakangiting saad pa ng aktres.

Nagbaba ba siya ng talent fee sa mga ginagawa niyang indie projects?

"Hindi," matipid niyang tugon.

Pero hindi ba kaunti ang budget ng indie?

"Oo, pero nakukuha ko pa rin naman yung presyong gusto ko. Katwiran ko, buong puso't kaluluwa ko ang ipinakikita at ibinibigay ko rito, e. Kaya hindi naman masasayang yung ibinabayad mo."

Lahat ba ng projects na ginagawa niya, ibinibigay niya ang kanyang best?