Lolit Solis on former talent, Rosanna Roces, who won Urian's Best Supporting Actress: "Yan ang karmatic."

William R. Reyes
Sunday, May 22, 2011 @ 06:36PM  |  72302 views

When she won Urian's Best Supporting Actress award for Presa, Rosanna Roces gave a very long acceptance speech, thanking members of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino, her director Adolf Alix, Jr., her Presa co-stars, with special mention of Anita Linda, her producers, her children and even grandchildren.

Photo By: Noel Orsal













Ang isang nagpabago ng mood, pansumandali, ng talent manager na si Lolit Solis, nang bisitahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 21, sa GMA-7 studios, matapos ang live airing ng Startalk, ay nang mabanggit sa kanya ang tungkol sa aktres na si Rosanna Roces.

Dating manager ni Osang (palayaw ni Rosanna) si Lolit Solis, whom she calls "Nanay" Lolit.  Nagkagalit ang dalawa at naging malalim ang sugat na iniwan ng alitan sa isa't isa.

Lately, o sa katatapos na 34th Gawad Urian Awards, last May 17, si Osang ang nahirang na best supporting actress, para sa Presa. Batid ng dating "Nanay" Lolit ni Osang ang tungkol dito. 

"Sana it will help her career," reaksiyon ni Lolit nang hingin ng PEP ang kanyang mensahe para kay Osang. 

In all honesty, hindi kami sure kung galit pa rin, o may hinampo na lang, o maaaring nagkabati na rin ang dalawa, kaya binanggit pa rin namin kay Lolit ang tungkol kay Osang.

"'Di ba?  Kasi napanalunan niya na [yata] lahat ng award," sabi pa ni Lolit.

"NANAY" LOLIT.  Masaya ba ngayon si "Nanay" Lolit para kay Rosanna Roces,  her former talent?

"Hinde!" mariing sabi ni Lolit.  Tapos, nag-seryoso siyang pahayag, sandaling tumigil sa paglalakad palabas ng studio.

"Isa lang bagay na ano ko... [gustong sabihin]," aniya.  "That's the biggest example, na sa showbiz, kung luka-luka ka...

"At first noon, ano lang [din] si Ai-Ai [delas Alas], hinaharass-harass siya ni Rosanna, 'Ayoko siyang (Ai-Ai) kasama sa show! She should not be in that!... tsu-tsu-tsu!'

"Ngayon, magkasama sila," Lolit said of Osang and Ai Ai, na isa sa nag-host ng Urian awards, "No. 1 si Ai-Ai; siya (Osang), extra lang!"

Maaaring ang nasa isip din ni Lolit Solis, hinggil sa sinabi, ay ang kasalukuyang estado sa showbiz nina Ai-Ai at Osang; ang comedienne, bilang bagong Box-Office Queen of Philippine Movies, habang si Osang ay walang regular mainstream projects, at na-relegate na sa pagiging suportang bituin.

At tumawa si Lolit Solis, sabay-sabi, in a sarcastic tone,  "'Yan ang mga karmatic!"

OSANG'S OTHER "NANAY."   Ugnay dito, mababanggit naman ang isa sa mga naging laman ng "thank you" speech ni Rosanna Roces, when she won the best supporting actress award mula sa Manunuri.

Banggit ni Rosanna, sa kanyang speech "... at siyempre, ibinabahagi ko ang award na ito... kung papipiliin po ako ng panibagong 'ina,' ang pipiliin ko po ay si Ms. Anita Linda..."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

68 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name