Arthur Solinap's family has met Rochelle Pangilinan: "Kapag naipakilala ko sa family, ibig sabihin ibang level na yun."

Rose Garcia
Monday, May 23, 2011 @ 11:22PM  |  36053 views

 

Arthur Solinap describes Rochelle Pangilinan: "Actually, ibang-iba siya. Kasi ang image niya, medyo kikay, maingay. Kapag sa labas ng trabaho, sobrang tahimik.  At kapag manamit, lola manamit.  E, sa shows, palagi siyang sexy, pero sa labas, hindi. Pero sobrang maalaga siya sa pamilya.  Doon din ako na-impress sa ugali niyang yun," he says.

 

Photo By: Noel Orsal













Tuloy-tuloy lang daw si Arthur Solinap sa taping ng Pepito Manaloto habang naghihintay pa sa magiging next series niya sa GMA-7 ngayong magtatapos na ngayong linggo ang I ♥ You Pare.

Sa series, si Arthur ang love interest ni Sarsi, played by Tirso Cruz III (a.k.a. Pip).

"Masaya at saka, lately, nagiging comfortable ako sa mga comedy roles.  Galing nga sa Pepito Manaloto, sa mga guestings. 

"Tapos si Tito Pip pa, ang tagal ko nang kakilala kaya sobrang kumportable ako sa show," ang kwento ni Arthur sa PEP.ph (Philippines Entertainment Portal).

After being cast in a romantic-comedy na surrounded sila ng gays, mas na-open ba ang pag-iisip niya sa third sex?

Aniya, "Marami naman talaga akong friends na gay. So, hindi ako naiilang kapag nakakatrabaho ko ang mga gays. 

"Actually, masaya nga silang katrabaho, e."

When it comes to his relationship with former SexBomb girl Rochelle Pangilinan, mabilis naman ang sagot ni Arthur na okay at masaya pa rin daw sila.

Gaano na nga ba sila katagal?

"Basta hindi na namin iniisip yung kailan pa, kung ano ba... siguro, more than two years na rin kaming lumalabas."

Wala ba silang plans to settle down?

"Wala pa...marami pa siyang pangarap. Actually, ako rin, kaming dalawa, marami pang pangarap. 

"At saka, ayokong maging sagabal sa mga goals niya in life. 

"Napag-uusapan naman namin yung mga pangarap, mga plano. 

"Umabot na rin kami sa point na malalim na ang mga kuwentuhan, sa mga buhay-buhay, okay naman.

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name