Kasama sana sa epicserye ng GMA-7 na Amaya si Paolo Contis, pero mas pinili muna ng aktor na bigyan ng panahon ang kanyang pamilya.
"Inabot lang ako ng panganganak ni Lian [Paz, Paolo's partner] and I had to make a choice na mag-alaga muna ng baby ko, kasi bagong panganak si Xalene.
"And ang isa sa mga sinabi sa amin tungkol sa Amaya is yung pressure nung oras.
"Kasi mahirap talaga yung show, and never akong pumasok sa trabaho na half-hearted ako, kasi ayokong ako yung masira," paliwanag ni Paolo sa taped interview sa kanya ng Startalk noong Sabado, May 21.
Si Ryan Eigenmann ang pumalit sa role ni Paolo.
Nilinaw rin ni Paolo ang isyung ayaw daw niyang makatrabaho ang bida nitong si Marian Rivera kung kaya't nag-backout siya sa project.
"Nagkuwento pa ako kay Dong [Dingdong Dantes, Marian's boyfriend], sabi ko, 'Bro, parang hindi ko kayang gawin yung ano. Okay lang kaya kay Marian?'
"Pati kay Marian, nagpaalam ako kasi I don't want na magalit siya sa akin.
"But I had to make a choice between giving my one hundred percent sa work, or taking care of my daughter first.
"And hindi ko rin mabigay yung one hundred percent," saad niya.
Since sa taping ng Show Me Da Manny in-interview si Paolo at co-star niya sa naturang show si Marian, biglang dumaan ang aktres sa likod ni Paolo. Lumapit agad ito sa aktor at tumatawang nagdayalog ng: "Uy, iniintriga tayong dalawa?"
Tumatawa namang sumagot si Paolo kay Marian ng: "Oo nga!"
"Sabi ko nga, hindi n'yo ba alam kumpare ko yun!" sabi ni Marian bago umalis.
"Korek!" sambit naman ni Paolo.
Wala naman daw pinagsisisihan si Paolo sa kanyang naging desisyon.




0

