Rochelle Pangilinan considers Amaya her best birthday gift; gets new manager after leaving SexBomb Dancers

Glen P. Sibonga
Tuesday, May 24, 2011 @ 06:42PM  |  32936 views

 

"Na-realize ko lang kung gaano siya kalaki noong first taping day ko. Nagulat talaga ako at saka kinilabutan ako. Grabe kasi yung big scenes namin. Kita n'yo naman costumes pa lang, panalo na, di ba? Tapos, ang gagaling pa ng mga artista. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama ako rito," says Rochelle Panglinan about being part of the epicserye Amaya.

Photo By: Noel Orsal













Kasabay ng grand presscon ng Amaya kagabi, May 23, sa Studio 7 ng GMA Network ay nag-celebrate din si Rochelle Pangilinan ng kanyang 29th birthday.

Isang cake ang sorpresa ng production ng Amaya para sa kanya at kinantahan pa ng "Happy Birthday."

Kaya naman tuwang-tuwa si Rochelle nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Kanina nga, nung mine-makeup-an ako, napa-smile akong bigla.

"Sabi nung make-up artist, 'Bakit ka naka-smile?'

"E, kasi ang ganda ng gift sa akin. Birthday ko, tapos presscon ng Amaya.

"Eto na yun, e. Alam mo yun?

"Hindi basta-bastang serye, ang laki-laking serye nito!

"Parang for my birthday this year, wala na akong mahihiling pa kasi ang ganda ng gift na ibinigay ni God sa akin—itong Amaya.

"Napa-smile na lang ako. Thank you Lord," masayang sabi ni Rochelle.

Sobrang excited daw talaga siya na maipapalabas na ang Amaya.

"Kasi ang laking project talaga nito," sambit niya.

"At na-realize ko lang kung gaano siya kalaki noong first taping day ko.

"Nagulat talaga ako at saka kinilabutan ako. Grabe kasi yung big scenes namin.

"Kita n'yo naman costumes pa lang, panalo na, di ba?

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

11 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name