Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinagot na ni Marian Rivera ang isyung pambabatok diumano niya sa Pambansang Kamao at Sarangani Congressman Manny Pacquiao.
Nangyari ang sinasabing insidente sa sabay nilang pagge-guest sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas noong May 15.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian sa grand launch ng Amaya kagabi, May 23, sa Studio 7 ng GMA Network, ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa bintang na binatukan diumano niya si Manny.
Aniya, nagkausap na raw sila ng Pambansang Kamao tungkol dito.
"Noong isang araw, nag-usap kaming dalawa, as in magkausap kaming dalawa sa telepono.
"So, napag-usapan namin 'yan... Alam mo, natatawa na lang kaming dalawa.
"Ang napag-usapan na lang namin, 'Ang importante, tayong dalawa yung nagkakaintindihan.'
"Kasi sa totoo lang, kahit ako, binabatukan ni Kuya Manny. Ganun kami maglambingan, e. Ginaganun ako nun!"
Magkasama sa GMA-7 sitcom na Show Me Da Manny sina Marian at Manny.
Sa kabila nito, naiintindihan naman daw ni Marian kung sakaling iba ang naging interpretasyon ng ilan sa nakita nila.
"Siyempre, hindi ko rin naman masisisi ang iba na na-offend sa ginawa ko kay Kuya Manny. Humihingi ako ng pasensiya.
"Pero ganun kami maglambingan. Tulad nga ng sabi ko, kahit si Kuya, binabatukan ako nun, e."
Nagulat ba siya na nalagyan ng malisya ng iba ang simpleng biruan nila ni Manny?
"Siyempre, nagulat din ako, pero ganun kasi kami ni Kuya. Saka hindi naman... kasi nag-jerk siya, e.
"Sabi ko, 'Kasi naman Kuya, nagdye-jerk ka pa, e. Parang naganun ka lang, e...



0

