Dumalo ang actress-host na si Cheska Garcia sa fashion event tampok ang mga likha ng designer na si Emy Cruz para sa lifestyle brand na Colours.
Ginanap ito kagabi, May 25, sa Cav Wine Shop-Café, sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Bagamat hindi kasama si Cheska sa mga modelong rumampa ay dumaan pa rin ito para makisaya at magpakita ng suporta sa kaibigan at Us Girls fellow host na si Angel Aquino.
Si Angel ang kasalukuyang tumatayong endorser ng Colours, at ang paglabas niya sa entablado ay ang nagsilbing finale ng fashion show kagabi.
Ilan sa mga showbiz personalities na namataan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng venue ay ang Kapuso star Solenn Heussaff, Kapamilya actor Matteo Guidicelli, Belo Essentials executive Cristalle Henares, at model-host Marc Nelson.
LIFE AS A MOM AND WIFE. Kasamang dumating ni Cheska ang kanyang mister na si Doug Kramer, na naglalaro para sa koponan ng Rain or Shine sa Philippine Basketball Association.
Taong 2008 nang ikasal sina Cheska at Doug sa isang seremonya na ginanap sa Blue Leaf Events Place sa McKinley Hills, Taguig City. (CLICK HERE to view gallery.)
June 25, 2009 naman nang isilang ni Cheska ang kanilang anak na si Claire Kendra Kramer. (CLICK HERE to read related article.)
Sa kasalukuyan ay sa Us Girls mapapanood si Cheska.
Bagamat hindi naman mapili pagdating sa mga proyekto ay inamin ng actress-host na meron na rin siyang mga kinukunsidera lalo pa't kailangang balansehin ang oras sa pamilya at trabaho.
"I don't really choose. Whatever comes my way.
"But so far, it's been very flexible with my family life and nothing naman that takes so much of my time, and nothing that compromises my role as a mother and wife," paliwanag ni Cheska sa PEP at iba pang entertainment reporters.
"Everything's going well and I guess people have accepted na that I'm really a mom now and a wife."
Naikuwento rin ni Cheska kung paano niya ipinagdiwang ang nakaraang Mother's Day: "Just very simple. We had dinner with my mom and then stay home—nothing too fancy.
"And then my husband accompanied me to watch a play, Care Divas.



0

