news

Ynna Asistio defends herself against accusation that she hinders career growth of boyfriend Mark Herras

by Rose Garcia posted on May 25, 2011  STATS: 32007 Views | 13 Comments

 

"Para sa akin, hindi na rin importante ang sinasabi ng ibang tao. Pero minsan kasi, darating ka rin sa point na kailangan mong sabihin na sana, 'Tama na.' Hindi nila alam kung ano ang nangyayari," says Ynna Asistio about being blamed by others for Mark Herras's lack of projects.

Photo By: Noel Orsal

Bilang matalik na kaibigan ni Jackie Rice ang character na ginagampanan ni Ynna Asistio sa bagong afternoon series ng GMA-7, ang Sisid.

Sa presscon ng Sisid kagabi, May 24, iisa ang tanong ng karamihan ng press na nag-interview kay Ynna: Kailan naman kaya siya ilu-launch ng GMA-7 kagaya ni Jackie?

"Hindi ko nga po alam. Yun din po ang tinatanong ng iba," nangingiting sabi ni Ynna.

"Parang sinasabi po ng mga tao na naunahan na ako, na ganyan...

"Pero para sa akin lang po, parang hintayin ko yung right time. Hindi naman po ako nagmamadali.

"Kumbaga, lahat ng roles na ibinibigay sa akin, ine-enjoy ko. 

"Kumbaga, kailangan para mangyari yun, meron akong kailangang gawin para mapansin ako.

"Pero para sa akin nga, sabi ni Mama sa akin, lahat may oras, lahat may tamang oras.

"So, nasa akin na lang yun kung gagawin ko pa."

Base na rin sa salita niya, nararamdaman ba niyang napag-iiwanan na siya?

"Hindi naman po," sagot ng panganay na anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro.

"Sabi ko nga po, siyempre, minsan, parang kung aanuhin mo, parang, 'Oo nga, bakit ganun?'

"Kapag nakakausap ako ng tao, sinasabi ko, parang mas pangit na ite-take ko ng bad yun.

"Kumbaga, ginagawa ko siya, tine-take ko siya as challenge.

"Dahil naunahan ako ng ganito—sisirain ko? or ayoko na dahil masyado akong napag-iiwanan? Hindi po kasi ganoon ang nasa isip ko.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  hooney

    05/28/2011 | 01:48 PM
    ineng mana ka sa ina mo, pulos lovelife din inatupag noon nasaan siya ngayon?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  dakilangina

    05/26/2011 | 04:16 PM
    Oo nga sorry Ms. Yna pero selosa kasi mga fans at I feel ayaw nila sau for Mark. Tama din yung comments ng isa dito na palibhasa me nanay na dating artista kaya lang ito napasok sa showbiz pero kung wala itong relative na me connection, I don't think na makapasok ito sa showbiz. Wala siyang appeal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  benjiecarl

    05/26/2011 | 04:08 PM
    di ganun kalakas ang star apil ni yna,,parang pilit lang,,na someday,mawawala din,tamang work nalang sya,tutal bata pa,,sexy??ewww,.exploitation1ang bata pa nyan uy,magaya pa sa nanay nyang dot dot,..if i were her magtapos sya ng college muna,at ibahin ang linya,lagi nalang bang acting,,iba padin ang edukasyon!.ito namang si mark,wala ding star apil masyado,,ok lang,,mas may higit,.saka ,..nakakasira tlaga sa star o rao ang lovelife n ganyan lalo na sa showbiz o bata kapa,,nawawala ka sa focus sa work,sana magipon muna sila,wag silang magbilang ng jowa,kase baka weak sila at madapa,,ang formula jan,,focus sa work,mag ipon,kilalanin si god para pag malakas kana,ok lang mag lovelife,,hindi yung wala pang career ,lovelife na!yuck1kaya daming nabubuntis jan,,ewwww..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  demita15

    05/26/2011 | 01:18 PM
    bakit ang haba ng interview?, altho i did not read it, she not that interesting naman..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aquos11

    05/26/2011 | 04:37 AM
    bakit sa page 2 nasama ung name ni jennylyn?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapams_saks

    05/26/2011 | 12:44 AM
    alam niya ang kalakaran sa showbiz dahil ang pamilya niya ay may connect sa showbiz. hindi man bumubulusok mga career nila, may mga ginagawa naman sila lagi. hindi pa rin sila nawawala unlike yung iba, sumikat bigla, after that, wala na... good luck to career and personal life!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepato

    05/25/2011 | 09:38 PM
    Kinda jinx nga sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mariantwinsister

    05/25/2011 | 08:37 PM
    Can't believe she's only 19!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • antonia_jpy

    05/25/2011 | 08:00 PM
    etchusera naman tong babaeng eto, 3 yrs na pala cla..tapos nung binasa ko past intervw ng pep nung debut nya, sabi ayaw nya pa mag bf, hayy bata pa cnungaling na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yamnt2007

    05/25/2011 | 06:06 PM
    well sorry pero agree ako na medyo hindrance sya sa pag angat ni mark. mula nung naging sila, parang nalaos c mark. sabi nga ng manager mismo ni mark mas naungusan na sya ni aljur. kahit wala kang ginagawang masama ynna, mula nung naging kayo ni mark, tumamlay na career nya unlike dati parang pabongga na kaso biglang nag slow down. ngayon parang one of those nalang c mark.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • snowsheen

    05/25/2011 | 05:34 PM
    i like her face. i saw her a few times on tv. di naman siya mestiza. but hindi nakakasawa ang mukha niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MARKY2000

    05/25/2011 | 05:23 PM
    Ang bilis mag-post nang negative comment ng mga taga DOS!Mukhang hindi talaga sila natutulog huh?Hahahaha!!Nauuna pa talaga sila or nakikipag-unahan talaga sila..Hahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • whatheheck

    05/25/2011 | 05:05 PM
    career growth of mark herras? ha ha ha... as if!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About