"Para sa akin, hindi na rin importante ang sinasabi ng ibang tao. Pero minsan kasi, darating ka rin sa point na kailangan mong sabihin na sana, 'Tama na.' Hindi nila alam kung ano ang nangyayari," says Ynna Asistio about being blamed by others for Mark Herras's lack of projects.

Photo: Noel Orsal

"Dahil naunahan ako ng ganito—sisirain ko? or ayoko na dahil masyado akong napag-iiwanan? Hindi po kasi ganoon ang nasa isip ko.

"As long as ine-enjoy ko ang ginagawa ko, hindi ko iniisip yung ganoong bagay.

"Maybe, eventually, di ba, kung mangyari man yun, gagawin ko ang best ko.

"At kahit naman po anong role ang ibinibigay sa akin, ginagawa ko lahat ng best ko."

IS SHE WILLING TO GO SEXY? May pagka-sexy ang tema ng Sisid na pinagbibidahan ni Jackie Rice.

Kung dumating ang time na si Ynna naman ang ilu-launch, pero kailangan din niyang magpa-sexy, papayag ba siya?

"Sa totoo lang, I'm not sure rin naman po na lahat ng artista na gustong ma-launch, e, kailangang magpa-sexy," sabi ng dalaga.

"Maraming puwedeng paraan para ma-launch ka.

"Siguro kung sexy, kagaya rin ng ginawa kay Jackie, wholesome pa rin.

"Hindi siya yung super sexy talaga.

"Okay lang po sa akin, pero kailangan na mai-ready rin po at saka yung katawan ko," sabi niya.

Sa palagay ba niya ay papayag ang parents niya at ang boyfriend niyang si Mark Herras?

"I don't think na okay sa daddy ko. Malamang na long process yun.

"Si Mark, siyempre, hindi rin. Para siyang tatay ko!" natatawa niyang sabi.

"Pero kami po kasi ni Mark, kami yung tipong pagdating sa trabaho, nakasuporta kami pareho.