"Para sa akin, hindi na rin importante ang sinasabi ng ibang tao. Pero minsan kasi, darating ka rin sa point na kailangan mong sabihin na sana, 'Tama na.' Hindi nila alam kung ano ang nangyayari," says Ynna Asistio about being blamed by others for Mark Herras's lack of projects.

Photo: Noel Orsal

"Pero never ko inano... Kumbaga, kapag tinanong ako, sinasagot ko naman po."

Selosa ba siya?

"Hindi ako selosa," sagot ni Ynna.

"Pero may mga pagkakataon na nagiging selosa ako. Pero siya, mas seloso. 

"Wala akong problema kahit sa trabaho, kahit na ayoko, palagi kong sinasabi sa kanya na 'Gawin mo.'

"Kasi, bakit ko naman papakialaman ang career niya kung ikabubuti naman niya, di ba? 

"At saka, bakit ako gagawa ng move na ikasisira niya?

"Yun kasi ang hindi ko masabi sa lahat ng tao, di ba? 

"Kung puwede ko lang i-explain sa buong mundo na hindi ganoon ang ginagawa ko."

Paano magselos si Mark?

"Siya kasi yung, may lumapit lang, halimbawa, lalaki 'to...

"Naiintindihan ko rin kasi siguro sa mga napagdaanan niya."

IS MARK REALLY THE ONE? Nineteen years old pa lang si Ynna.

Pero kung titingnan, tila seryoso na talaga sila ni Mark sa kanilang relationship. 

Tanong ng PEP, at this point, masasabi ba niyang si Mark na talaga ang lalaking para sa kanya?