"Mula disi-otso anyos, disi-nuebe anyos, inabot kami ngayon that we are in our 40s. So, andami mong stages ng buhay—yung adjustments na ginagawa... So, napakahirap. Napakahirap actually," says actress-politician Lani Mercado about her 25 years of marriage to Senator Bong Revilla.

Photo: Noel Orsal

Sa Sabado, May 28, ay gaganapin ang renewal of wedding vows nina Representative Lani Mercado at Senator Bong Revilla sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Villamor Airbase, Pasay City. (CLICK HERE to read related story.)

Ito ay bilang paggunita sa kanilang 25th o silver wedding anniversary.

Bagamat hindi ito ang unang pagkakataon na ikakasal siya, may kaba pa ring nararamdaman si Lani sa nalalapit nilang renewal of wedding vows ni Senator Bong.

"May nerbiyos pa din kasi may mga kakaiba kaming gagawin na hindi namin nagawa nung mga nakaraang weddings namin.

"Andiyan yung...basta may mga sorpresa kayong makikita.

"Tapos ang kagandahan, bumalik kami doon sa simbahan na una naming pinagkasalan.

"We went to a trip to the United States just for that, para maging bahagi siya nung [TV] special na sa June 5 ipalalabas."

Nakausap ng PEP.ph si Lani sa grand launch ng kinabibilangan niyang epicserye sa GMA-7, ang Amaya, noong May 23 sa Studio 7 ng GMA Network.

May inihahanda rin ba silang regalo ni Bong para sa isa't isa?

"Ewan ko lang kung may surprise pa siya sa akin.

"Ako, baka biglaan na lang.

"Actually, the whole preparation is already very big.

"Yung part ko, saka part niya na pinag-combine namin, malaking tulong na 'yon.

"For me, enough na regalo na 'yon sa isa't isa just to be together for 25 years—enough na gift para matuloy yung aming 25th year."