Nina Kodaka credits Startalk stint for improving her Tagalog

Bong Godinez
Thursday, May 26, 2011 @ 04:44PM  |  7201 views

StarStruck V Avenger Nina Kodaka is happy with the way her pictorial for the GMA Artist Center (GMACC) catalogue has turned out.

More Pictures

Photo By: Nimfa Chua













Muntik na palang hindi dumalo si Nina Kodaka sa launching ng GMA Artist Center (GMAAC) catalogue na pinamagatang The Black Book noong Martes, May 24, sa Republiq, Resorts World, Pasay City.

"Parang di ako masyado magaling makipag-usap kaya nung papunta ako, parang ayoko kasi kinakabahan ako.

"Kaya lang, nung nandito na ako, nung andiyan na ako, ayun, ang saya!" sabi ni Nina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin matapos ang programa.

Kasama kasi sa inihandang programa ng gabing iyon ay ang pag-presenta sa talents na nasa pangangalaga ng GMAAC, at aminado si Nina na nakaramdam siya ng nerbiyos, lalo pa't present ang ilang Kapuso executives.

Ganito rin ang naging karanasan ni Nina nung araw na pumunta siya sa lokasyon kung saan siya kukunan ng kilalang fashion photographer na si Doc Marlon Pecjo para isama sa catalogue project. (CLICK HERE to view gallery.)

Sa umpisa raw ay hindi kumportable si Nina at nahihiya siya na mag-pose sa harap ng kamera.

Buti na lang at sanay si Doc Marlon na mag-motivate ng modelo at nagamit naman niya ito para makumbinse ang dating StarStruck V Avenger na magtiwala sa konsepto na nais niyang palitawin sa larawan.

"Nung unang kita niya [Doc Marlon] sa akin, pinapalakas niya yung loob ko.

"Kaya nakuha naman namin 'tsaka hindi na ako masyadong nahiya," kuwento ni Nina.

Naging worth it naman ang lahat at labis na ikinatuwa raw ni Nina nang ipakita na sa kanya ang pictures niya na isasama sa The Black Book.

"Ganda! Kasi dapat, isang damit lang, pero si Doc Marlon, gusto niya, gumawa pa ako ng sexy na damit.

"Yun ang naging ano, ginamit na outfit ko," kuwento niya.

"Ayun, so nagpapasalamat ako sa kanya.

"Kasi kung hindi nangyari 'yon, hindi rin maganda yung kinalabasan nung picture."

JACKY WOO FILM. Kapansin-pansin na malaki na ang improvement ni Nina sa pagsasalita ng Tagalog.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name