Vandolph has no problem if dad Dolphy finally decides to marry longtime partner Zsa Zsa Padilla

Rose Garcia
Friday, May 27, 2011 @ 09:19AM  |  179 views

 

"Ang daddy ko naman, kung gustong magpakasal, noong araw na lumabas ang annulment, I'm sure nagpakasal na at kinausap na kami. Pero lahat naman ng utol ko, waiting lang kung anuman ang desisyon ni Erpat. Nakakausap ko naman ang matatandang kapatid ko. Lahat kami, okay lang naman. Pero of course, dapat lang naman na magkaroon ng formality muna. Hindi yung magugulat ka na lang na ikakasal na bukas, di ba?" says Vandolph about talks that his dad, Comedy King Dolphy, will marry partner Zsa Zsa Padilla.

Photo By: Noel Orsal













Bilang isa sa mga anak ng Comedy King na si Dolphy, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Vandolph kung ano ang masasabi niya ngayong posible nang mapakasalan ng kanyang ama ang longtime partner nitong si Zsa Zsa Padilla.

Ito ay matapos aprubahan ng korte ang petition for annulment ng Divine Diva laban sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari pagkatapos ng sampung taong paghihintay. (CLICK HERE to read related story.)

"Well, okay lang. Kung doon sila masaya at doon sasaya ang tatay ko, and my dad deserves to be happy naman," saad ni Vandolph nang makausap siya sa taping ng Babaeng Hampaslupa last Tuesday night, May 24, sa Malabon.

Dugtong pa niya, "Ine-expect ko na rin naman 'yan. It's a matter of when.

"Kung darating, sabi ko, good for them dahil yun na lang naman ang hinihintay ng dad ko at ni Tita Zsa Zsa.

"So, kung saan sila masaya, doon lang din ako sa happiness ng dad ko."

Isa ba siya sa mga anak ni Mang Dolphy na pabor kung magpapakasal nga ang kanyang ama kay Zsa Zsa?

"Yeah, oo.

"Nanay ko nga nagpakasal, wala naman akong sinabi," pagtukoy ni Vandolph sa kanyang ina na si Alma Moreno na nagpakasal kay Marawi City Mayor Sultan Fahad “Pre” Salic.

"Atsaka, may pamilya rin naman ako," patuloy niya.

"Siguro my dad deserves to feel... na may asawa na siya.

"Pero malaki kami, malaki talaga kami. 

"Pero kung makasal siya sa harap ng Panginoon at gusto niyang maranasan, okay lang din."

Hindi kaya iniisip pa rin  ni Mang Dolphy silang mga anak niya kung sakaling ituloy nito ang pagpapakasal kay Zsa Zsa?

"Well, hindi pa kasi niya ako nakakausap about that.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name