Sheena Halili cried the first time she went topless on Amaya

Rommel Gonzales
Friday, May 27, 2011 @ 06:48PM  |  42072 views

 

"Kaya ko rin tinanggap ito, siyempre inisip ko na din na challenge ito sa akin. Para maiba naman ako, para maiba naman ang ginagawa ko. Lagi naman akong comedy, e, kaya medyo para maiba naman," says Sheena Halili about her role in Amaya.

Photo By: Noel Orsal













Kasama ang young actress na si Sheena Halili sa epicserye ng GMA-7 na Amaya.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Ahak, isang uripon o alipin na magiging malapit na kaibigan ni Amaya (Marian Rivera).

Bilang isang alipin noong sinaunang panahon, kinakailangang mag-topless ni Sheena sa epicserye.

Pero iniyakan daw ni Sheena ang pagta-topless niya sa test shoot pa lang ng Amaya.

Kuwento niya, "Iniyakan ko siya nung test shoot, pero hindi naman yung iyak na hagulhol. Parang ano lang, parang, 'Ano ba yan?'

"Test shoot po yun, parang gusto pong makita ni Direk Mac [Alejandre, Amaya director] yung mga costume namin 'tsaka yung acting namin.

"Test shoot yun, iyon yung first time ko na nag-topless.

"Ayokong lumabas sa dressing room, ayokong magbihis kasi parang, 'Gagawin ko yun?'

"Alam mo yung, 'Andito na ako, gagawin ko ba?' Na, 'Ano na Sheena, nakakahiya ka!'

"Na iyon ang sinasabi ko sa sarili ko, na nandito na ako, tinanggap ko, tapos aarte ako.

"Iyon din yung iniisip ko, sabi ko na lang sa sarili ko.

"'Tsaka sinabi naman sa akin ng staff, nila Ms. Cheryl [Ching-Sy, program manager], nila Ms. Camille [Gomba-Montaño, executive producer], 'tsaka si Direk Mac, sabi nila, 'Hindi ka namin papabayaan, anak.'

"Kaya naisip ko, parang, 'Fine, trabaho yan!'

"Kaya ko rin tinanggap ito, siyempre inisip ko na din na challenge ito sa akin.

"Para maiba naman ako, para maiba naman ang ginagawa ko.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

41 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name