Bagamat kumpirmado na ang pagbabalik ni Alessandra de Rossi sa GMA-7 sa pamamagitan ng upcoming afternoon drama series na Sentensyada, ay wala pa palang pirmahan na nagaganap sa pagitan ng aktres at Kapuso network management.
"May agreement na for two years guaranteed na ganito yung kikitain ko, and may show ako, and hindi ako mawawalan.
"Yun yung naging usapan. I mean, inaayos na lahat yung contract and all. Pero as of now hindi pa rin ako nagsa-sign," pahayag ni Alex (palayaw ni Alessandra) nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 27, sa RAVE Art Gallery sa Scout Magbanua, Quezon City.
Exclusive contract ang hinahabol ngayon ni Alex matapos maging freelancer ng ilang taon, na kung saan ay malaya siyang nakakapagtrabaho sa anumang istasyon na nangangailangan ng serbisyo niya bilang artista.
Naging matapat naman si Alex sa pagsasabing pinansiyal ang pangunahing dahilan kung bakit nais niyang matali ngayon sa isang network.
Ang manager mismo ni Alex na si Manny Valera ang nagmungkahi na mas makakabuti siguro para sa kanyang alaga ang pumirma ng exclusive contract para matugunan ang problema nito pagdating sa pera.
"Kasi lagi kaming namumroblema tuwing bayaran, e. Masyadong malaki yung bills ko. I'm paying for a house, sinusuportahan ko yung family ko sa Italy.
"So may times na parang nawawalan talaga ako ng pera, and hindi naman kasalanan ng ABS [CBN] yun kasi may show naman ako.
"Nagkakataon lang talaga na minsan, masyadong malaki yung gastos and sila [ABS-CBN], hindi sila nagbibigay ng guaranteed contract.
"So siyempre yung manager ko, 'Kung saan ka magiging mas secure, dun muna tayo, until makaipon ka, until hindi ka magkakaproblema," paliwanag ni Alex.
NO HARD FEELINGS. Kasabay ng pagkalat ng balitang pagbabalik GMA-7 ni Alex ay ang mga mensahe na ipinost niya sa kanyang Twitter account na nagdulot ng impresiyon sa ilan na tila may hinanakit ang Filipino-Italian actress sa ABS-CBN.
Ilan lamang sa mga mensahe na isinulat ni Alex sa pamamagitan ng Twitter ay ang mga sumusunod:
"im sorry. maski aso may papeles. meron ako nun ngayon, for the first time in my career, I HAVE A CONTRACT. at least sure ako may work lagi."
"naranasan ko na mawalan. mangapa. at wala akong pwedeng sisihin kasi wala akong contract kahit saan. 13 years tsong. ngayon meron. be happy."
"hindi masaya ang palipat-lipat ng lugar you know. para kang palit ng palit ng jowa. it hurts to let go! choz! ayoko na! BYE!!!"
Tinanong namin si Alex kung may sama nga ba siya ng loob sa Kapamilya network, na nagsilbing tahanan rin niya for almost three years.
"No! Hindi talaga," mabilis na sagot ni Alex.
"As in imposibleng sumama yung loob ko because ang gaganda ng roles na napupunta sa akin.



0

