Hindi mai-express ng nagbabalik na award-winning actor na si Raymond Bagatsing ang kanyang kasiyahan nang mapasama siya sa malaking cast ng GMA-7 epic-serye na Amaya.
Raymond plays the role of Datu Bugna, ang ama ni Amaya na ginagampanan ng bida na si Marian Rivera. Hindi si Raymond ang original na naka-cast bilang Datu Bugna
Si Phillip Salvador dapat ang nasa naturang role pero nag-backout si Kuya Ipe para gawin ang teleserye sa TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak at nabakante ang role. Doon naisipang kunin ang serbisyo ni Raymond na mabilis naman niyang tinanggap.
Hindi issue para kay Raymond na second choice siya para sa role niya sa Amaya.
"It's never an issue naman kung second choice man ako sa role ko as Datu Bugna. Ilang beses na rin akong nabigyan ng role sa pelikula noon na hindi ako ang original choice.
"Kahit na ika-sampung choice pa ako, what's important is that napasama ako sa napakalaking epicserye na ito. I mean, once in a lifetime ka lang makakagawa ng ganitong klaseng series, 'di ba? And I am so proud to be part of it.
"At kahit second choice man ako, I always give it my best. Parating 100 percent ang commitment ko sa performance ko. It's not how you got the role but how you commit to the role," diin pa niya.
Inamin ni Raymond na sobra siyang overwhelmed sa naganap na press launch ng Amaya sa Studio 7 ng GMA Annex Studio last May 23. Bilib raw siya sa preparation at support ng network sa epicserye na ito.
"It's such a nice feeling na makita mo na every detail ng ginagawa naming show ay inaasikaso at hindi nababale-wala. Sa press launch na lang, talagang nagulat ako sa sobrang laki ng ginawa nila. Talagang matagal na pala akong nawala sa showbiz kasi hindi ganito ang style noon, e. Tama na 'yung nakaupo kami sa presidential table. Ngayon pagandahan na ng presentation.
"And it's so great to see ang mga dati mong nakasabayan at nakatrabaho sa pelikula ay kasama mo sa show na ito. Like sila Gina Alajar, Daniel Fernando, Gardo Versoza, Perla Bautista, Lani Mercado, Mon Confiado, Ana Capri, Irma Adlawan, Roy Alvarez, nakatrabaho ko na sila sa mga movies and other TV shows before. Hanggang ngayon nandito pa rin kami.
"Tapos you are cast with the new actors of this generation. It makes me think of how long I've been in the entertainment industry. Marami nang bagong mukha but still ang mga ka-edad ko ay nabibigyan pa ng importansya sa mga shows na tulad nitong Amaya."
Nabanggit ni Raymond na mas pinahahalagahan niya ngayon ang kanyang pagbalik sa pag-arte kesa noong aktibo pa siya. Inamin niya he took showbiz for granted at hindi niya masyadong binigyan ng importansya ang ilang mahahalagang bagay noon.
"I admit na may hindi tayo magandang attitude noon. Pasaway ba ang tawag ngayon? Gano'n ako noon. I was taking things for granted. Kahit na nandiyan ang trabaho, still nagpapakita ka na wala kang interes. Alam mo kasi na merong mga darating pang iba. May kukuha pa rin sa akin.
"I was such an — excuse me for saying this—I was an asshole noon. Maraming galit sa akin because of my attitude. Parang devil-may-care ako noon. I was in showbiz just to earn money and win awards. Yun lang ang nasa isipan ko noon.
"Maybe because I was still young then. Napaka-impulsive kong tao. Marami akong gustong gawin na hindi sang-ayon sa iba. Pero wala akong pakialam noon, e. I will work kung kelan ko gusto.




0

