Last Friday, May 27, lumabas ang balitang diumano'y may sinuntok si John Estrada sa noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey!.
Nangyari raw ang diumano'y panununtok ni John sa floor director ng show na si Alex Magbanua noong Huwebes, May 26.
Pero noong Sabado, May 28, binigyang-linaw agad ni John ang tungol sa naturang intriga sa live airing ng show nila.
JOHN EXPLAINS HIS SIDE. Nakausap din ng The Buzz si John at muli nitong pinabulaanan ang intrigang diumano'y panununtok daw niya sa kanilang floor director.
Kuwento niya, "Sa totoo lang, noong umpisa ng show, nabalitaan namin na diumano'y may pinagalitan si Alex Magbanua na studio audience. Ang ingay kasi.
"Pagbalik, hindi na pinabalik.
"Tapos noong kami naman, papunta na sa studio namin, bigla akong niyakap no'ng tatlong matatanda. Umiiyak.
"Na, 'Bakit ganoon yung director n'yo, ang sakit magsalita?'
"Kumbaga, nag-joke siguro, siyempre napahiya yung matatanda.
"Actually, nasaktan ako at, totoo yun, medyo uminit ang ulo ko.
"So, do'n talaga, hindi na ako nakapagpigil.
"Nasabi ko, 'Hindi bale po, Lola, pumasok na po kayo, ako na po ang bahala.'"
Agad naman daw kinausap ni John ang creative manager ng show na si Willy Cuevas tungkol sa mga pangyayari.
Kuwento ni John, "Ang ginawa ko, sabi ko kay Willy Cuevas, 'Brother, kausapin natin [si Alex]. Para hindi na maulit.'




0

