"Para sa akin, hindi director si GB. Tao siya, friend ko siya. Part of my life. Hindi ako natatakot sa kanya, secure ako sa kanya. He gives me security when it comes to emotional status," says Daiana Menezes about director GB Sampedro.

Photo: Noel Orsal

May ilang linggo nang tampulan ng tuksuhan ang Brazilian TV star na si Daiana Menezes at ang direktor na si GB Sampedro.

Diumano, may namumuo nang relasyon sa dalawa at ang terms of endearment daw nila sa isa't isa ay "Dad" at "Mom."

Kahapon, May 29, nasa studio ng Paparazzi si Daiana. 

Hindi siya guest ng show. Ang dahilan pala ay birthday ni Direk GB at may treat itong buffet para sa lahat ng staff ng show na idinidirek nito. 

Nandoon si Daiana para suportahan ang celebrator.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daiana para sa isang interview, alinlangan pa siyang magsalita tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Direk GB.

Matapos ang urong-sulong na pag-amin ni Daiana, umamin din siya sa huli na may magandang namamagitan sa kanila ng TV director.

"Neighbors kami," banggit niya.

"Masarap siyang magluto, tapos he's always helping me out. 

"Parang ano siya, nagiging part of my life.

"Hindi lang kami simple friends, there's something going on between the two of us," kinikilig na kumpirmasyon ni Daiana sa kanilang dalawa ni Direk GB.

Pero mas mabuting itanong din daw namin kay Direk GB ang tungkol sa kanilang dalawa.

Paano siya napapasaya ni Direk GB?

"Niluluto niya ang mga pagkain para sa akin.